COLOSAS 3:13 (TAG)
Mangagtiisan kayo sa isa’t isa, at mangagpatawaran kayo sa isa’t isa, kung ang sinoman ay may sumbong laban sa kanino man; na kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon, ay gayon din naman ang inyong gawin:
I TIMOTEO 5:19 (TAG)
Laban sa matanda ay huwag kang tatanggap ng sumbong, maliban sa dalawa o tatlong saksi.
APOCALIPSIS 12:10 (TAG)
At narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit, na nagsasabi, Ngayo’y dumating ang kaligtasan, at ang kapangyarihan, at ang kaharian ng ating Dios, at ang kapamahalaan ng kaniyang Cristo: sapagka’t inihagis na ang tagapagsumbong sa ating mga kapatid na siyang sa kanila’y nagsusumbong sa harapan ng ating Dios araw at gabi.
APOCALIPSIS 12:9 (TAG)
At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya’y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.
SANTIAGO 4:7 (TAG)
Pasakop nga kayo sa Dios; datapuwa’t magsisalangsang kayo sa diablo, at tatakas siya sa inyo.
I PEDRO 5:8-9 (TAG)
8. Kayo’y maging mapagpigil, kayo’y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya:
9. Na siya’y labanan ninyong matatag sa inyong pananampalataya, yamang inyong nalalaman na ang mga gayong hirap ay nagaganap sa inyong mga kapatid na nangasa sanglibutan.
JOB 1:6-12 (TAG)
6. Isang araw nga nang ang mga anak ng Dios ay magsiparoon na magsiharap sa Panginoon, na si Satanas ay naparoon din naman na kasama nila.
7. At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Saan ka nanggaling? Nang magkagayo’y sumagot si Satanas sa Panginoon, at nagsabi, Sa pagpaparoo’t parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon.
8. At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Iyo bang pinansin ang aking lingkod na si Job? sapagka’t walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalake, na natatakot sa Dios at humihiwalay sa kasamaan.
9. Nang magkagayo’y sumagot si Satanas sa Panginoon, at nagsabi, Natatakot ba ng walang kabuluhan si Job sa Dios?
10. Hindi mo ba kinulong siya, at ang kaniyang sangbahayan, at ang lahat niyang tinatangkilik, sa bawa’t dako? iyong pinagpala ang gawa ng kaniyang mga kamay, at ang kaniyang pag-aari ay dumami sa lupain.
11. Nguni’t pagbuhatan mo siya ng iyong kamay ngayon, at galawin mo ang lahat niyang tinatangkilik, at itatakuwil ka niya ng mukhaan,
12. At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Narito, lahat niyang tinatangkilik ay nangasa iyong kapangyarihan; siya lamang ang huwag mong pagbuhatan ng iyong kamay. Sa gayo’y lumabas si Satanas na mula sa harapan ng Panginoon.
LUCAS 10:18 (TAG)
At sinabi niya sa kanila, Nakita ko si Satanas, na nahuhulog na gaya ng lintik, mula sa langit.
EFESO 6:12 (TAG)
Sapagka’t ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.
APOCALIPSIS 12:10-11 (TAG)
10. At narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit, na nagsasabi, Ngayo’y dumating ang kaligtasan, at ang kapangyarihan, at ang kaharian ng ating Dios, at ang kapamahalaan ng kaniyang Cristo: sapagka’t inihagis na ang tagapagsumbong sa ating mga kapatid na siyang sa kanila’y nagsusumbong sa harapan ng ating Dios araw at gabi.
11. At siya’y kanilang dinaig dahil sa dugo ng Cordero, at dahil sa salita ng kanilang patotoo, at hindi nila inibig ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan.
APOCALIPSIS 12:7-9 (TAG)
7. At nagkaroon ng pagbabaka sa langit: si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon; at ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka;
8. At hindi sila nanganalo, ni nasumpungan pa man ang kanilang dako sa langit.
9. At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya’y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.
APOCALIPSIS 12:13-17 (TAG)
13. At nang makita ng dragon na siya’y inihagis sa lupa, ay inusig niya ang babaing nanganak ng sanggol na lalake.
14. At sa babae’y ibinigay ang dalawang pakpak ng agilang malaki, upang ilipad sa ilang mula sa harap ng ahas hanggang sa kaniyang tahanan, na pinagkandilihan sa kaniyang isang panahon, at mga panahon, at kalahati ng isang panahon.
15. At ang ahas ay nagbuga sa kaniyang bibig sa likuran ng babae ng tubig na gaya ng isang ilog, upang maipatangay siya sa agos.
16. At tinulungan ng lupa ang babae, at ibinuka ang kaniyang bibig at nilamon ang ilog na ibinuga ng dragon sa kaniyang bibig.
17. At nagalit ang dragon sa babae, at umalis upang bumaka sa nalabi sa kaniyang binhi, na siyang nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at mga may patotoo ni Jesus: