Prayer Meeting

Ang Naging Tinik Sa Laman Ni Apostol Pablo Na Kahit Hilingin Sa Panginoon Ay Hindi Maalis Sa Kanya ASB

Pas. Ano ang dahilan ng pagbibigay ng Panginoon kay Pablo ng tinik sa laman?

II CORINTO 12:7-9 (TAG)
7. At nang ako’y huwag magpalalo ng labis dahil sa kadakilaan ng mga pahayag, ay binigyan ako ng isang tinik sa laman, ng isang sugo ni Satanas, upang ako’y tampalin, nang ako’y huwag magpalalo ng labis.
8. Tungkol dito’y makaitlo akong nanalangin sa Panginoon, upang ilayo ito sa akin.
9. At siya’y nagsabi sa akin, Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo: sapagka’t ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan. Kaya’t bagkus akong magmamapuri na may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni Cristo.

II CORINTO 12:1 (TAG)
Kinakailangang ako’y magmapuri, bagaman ito’y hindi nararapat; nguni’t aking sasaysayin ang mga pangitain ko at mga pahayag ng Panginoon.

GALACIA 1:11-12 (TAG)
11. Sapagka’t aking ipinatatalastas sa inyo, mga kapatid, tungkol sa evangelio na aking ipinangaral, na ito’y hindi ayon sa tao.
12. Sapagka’t hindi ko tinanggap ito sa tao, ni itinuro man sa akin, kundi aking tinanggap sa pamamagitan ng pahayag ni Jesucristo.

JOB 1:12-22 (TAG)
12. At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Narito, lahat niyang tinatangkilik ay nangasa iyong kapangyarihan; siya lamang ang huwag mong pagbuhatan ng iyong kamay. Sa gayo’y lumabas si Satanas na mula sa harapan ng Panginoon.
13. At nangyari isang araw, nang ang kaniyang mga anak na lalake at babae ay nagsisikain at nagsisiinom ng alak sa bahay ng kanilang kapatid na panganay.
14. Na dumating ang isang sugo kay Job, at nagsabi, Ang mga baka ay nagsisipagararo, at ang mga asno ay nagsisisabsab sa siping nila:
15. At dinaluhong ng mga Sabeo, at pinagdadala; oo, kanilang pinatay ng talim ng tabak ang mga bataan; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo.
16. Samantalang siya’y nagsasalita pa, ay dumating naman ang iba, at nagsabi, Ang apoy ng Dios ay nalaglag mula sa langit, at sinunog ang mga tupa, at ang mga bataan, at pinagsupok; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo.
17. Samantalang siya’y nagsasalita pa, ay dumating naman ang iba, at nagsabi, Ang mga Caldeo ay nagtatlong pulutong, at dumaluhong sa mga kamelyo, at pinagdadala, oo, at pinatay ng talim ng tabak ang mga bataan; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo.
18. Samantalang siya’y nagsasalita pa, ay dumating naman ang iba, at nagsabi, Ang iyong mga anak na lalake at babae ay nagsisikain at nagsisiinom ng alak sa bahay ng kanilang kapatid na panganay:
19. At, narito, dumating ang malakas na hangin na mula sa ilang, at hinampas ang apat na sulok ng bahay, at lumagpak sa mga binata, at sila’y nangamatay; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo.
20. Nang magkagayo’y bumangon si Job, at hinapak ang kaniyang balabal, at inahitan ang kaniyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at sumamba;
21. At sinabi niya, Hubad akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina, at hubad na babalik ako roon: ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nagalis; purihin ang pangalan ng Panginoon.
22. Sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job, ni inari mang mangmang ang Dios.

APOCALIPSIS 2:8-10 (TAG)
8. At sa anghel ng iglesia sa Smirna ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng una at ng huli, na namatay, at muling nabuhay:
9. Nalalaman ko ang iyong kapighatian, at ang iyong kadukhaan (datapuwa’t ikaw ay mayaman), at ang pamumusong ng mga nagsasabing sila’y mga Judio, at hindi sila gayon, kundi isang sinagoga ni Satanas.
10. Huwag mong katakutan ang mga bagay na iyong malapit ng tiisin: narito, malapit ng ilagay ng diablo ang ilan sa inyo sa bilangguan, upang kayo’y masubok; at magkakaroon kayo ng kapighatiang sangpung araw. Magtapat ka hanggang sa kamatayan, at bibigyan kita ng putong ng buhay.

LUCAS 22:31 (TAG)
Simon, Simon, narito, hiningi ka ni Satanas upang ikaw ay maliglig niyang gaya ng trigo:

I. Ang Naging Tinik Sa Laman Ni Apostol Pablo Na Kahit Hilingin Sa Panginoon Ay Hindi Maalis Sa Kanya?

GAWA 9:15-16 (TAG)
15. Datapuwa’t sinabi sa kaniya ng Panginoon, Pumaroon ka: sapagka’t siya’y sisidlang hirang sa akin, upang dalhin ang aking pangalan sa harapan ng mga Gentil at ng mga hari, at ng mga anak ni Israel:
16. Sapagka’t sa kaniya’y aking ipakikilala kung gaano karaming mga bagay ang dapat niyang tiisin dahil sa aking pangalan.

GAWA 20:22-24 (TAG)
22. At ngayon, narito, ako na natatali sa espiritu ay pasasa Jerusalem, na hindi nalalaman ang mga bagay na mangyayari sa akin doon:
23. Maliban na pinatotohanan sa akin ng Espiritu Santo sa bawa’t bayan, na sinasabing ang mga tanikala at ang mga kapighatian ay nagsisipagantay sa akin.
24. Datapuwa’t hindi ko minamahal ang aking buhay na waring sa akin ay mahalaga, maganap ko lamang ang aking katungkulan, at ang ministeriong tinanggap ko sa Panginoong Jesus, na magpatotoo ng evangelio ng biyaya ng Dios.

II TIMOTEO 3:12 (TAG)
Oo, at lahat na ibig mabuhay na may kabanalan kay Cristo Jesus ay mangagbabata ng paguusig.