Sunday Gathering

Kung Bakit Kailangan Kapootan Pati Ng Damit Na Nadungisan Ng Laman Sa Pagsagip Ng Kaluluwa Ng Kapwa Lingkod ASB

Note: Mat 22:11-12 ; Apoc 19:7-8

MATEO 22:11-12 (TAG)
11. Datapuwa’t pagpasok ng hari upang tingnan ang mga panauhin, ay doo’y nakita niya ang isang tao na hindi nararamtan ng damit-kasalan:
12. At sinabi niya sa kaniya, Kaibigan, ano’t pumasok ka rito na walang damit-kasalan? At siya’y naumid.

APOCALIPSIS 19:7-8 (TAG)
7. Tayo’y mangagalak at tayo’y mangagsayang mainam, at siya’y ating luwalhatiin; sapagka’t dumating ang pagkakasal ng Cordero, at ang kaniyang asawa ay nahahanda na.
8. At sa kaniya’y ipinagkaloob na damtan ang kaniyang sarili ng mahalagang lino, makintab at tunay; sapagka’t ang mahalagang lino ay siyang mga matuwid na gawa ng mga banal.

Pas. Ano aral at nararapat na pagtrato ukol sa pagsagip sa kaluluwa ng isang kapatid?

JUDAS 1:23 (TAG)
At ang iba’y inyong iligtas, na agawin ninyo sa apoy; at ang iba’y inyong kahabagan na may takot; na inyong kapootan pati ng damit na nadungisan ng laman.

SANTIAGO 5:20 (TAG)
Ay alamin nito na ang nagpapabalik-loob ng isang makasalanan, mula sa kamalian ng lakad niya ay magliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan, at magtatakip ng karamihang kasalanan.

SANTIAGO 5:20 (TAG)
Ay alamin nito na ang nagpapabalik-loob ng isang makasalanan, mula sa kamalian ng lakad niya ay magliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan, at magtatakip ng karamihang kasalanan.

I. Bakit kailangan kapootan pati ng damit na nadungisan ng laman?

EFESO 4:22,24 (TAG)
22. At inyong iwan, tungkol sa paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya;
24. At kayo’y mangagbihis ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan.

COLOSAS 3:12,14 (TAG)
12. Mangagbihis nga kayo gaya ng mga hinirang ng Dios, na mga banal at minamahal, ng isang pusong mahabagin, ng kagandahangloob, ng kababaan, ng kaamuan, ng pagpapahinuhod:
14. At sa ibabaw ng lahat ng mga bagay na ito ay mangagbihis kayo ng pagibig na siyang tali ng kasakdalan.

 

I PEDRO 3:4 (TAG)
Kundi ang pagkataong natatago sa puso na may damit na walang kasiraan ng espiritung maamo at payapa, na may malaking halaga sa paningin ng Dios.

 

APOCALIPSIS 3:1-5 (TAG)
1. At sa anghel ng iglesia sa Sardis ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may pitong Espiritu ng Dios, at may pitong bituin: Nalalaman ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay may pangalang ikaw ay nabubuhay, at ikaw ay patay.
2. Magpuyat ka, at pagtibayin mo ang mga bagay na natitira, na malapit ng mamatay: sapagka’t wala akong nasumpungang iyong mga gawang sakdal sa harapan ng aking Dios.
3. Alalahanin mo nga kung paanong iyong tinanggap at narinig; at ito’y tuparin mo, at magsisi ka. Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo.
4. Nguni’t mayroon kang ilang pangalan sa Sardis na hindi nangagdumi ng kanilang mga damit: at sila’y kasama kong magsisilakad na may mga damit na maputi; sapagka’t sila’y karapatdapat.
5. Ang magtagumpay ay daramtang gayon ng mga mapuputing damit; at hindi ko papawiin sa anomang paraan ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay, at ipahahayag ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at sa harapan ng kaniyang mga anghel.