LUCAS 21:24 (TAG)
At sila’y mangabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, at dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa: at yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil, hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil.
ROMA 9:4-5 (TAG)
4. Na pawang mga Israelita; na sa kanila ang pagkukupkop, at ang kaluwalhatian, at ang mga tipan, at ang pagbibigay ng kautusan, at ang paglilingkod sa Dios, at ang mga kapangakuan;
5. Na sa kanila ang mga magulang, at sa kanila mula ang Cristo ayon sa laman, na siyang lalo sa lahat, Dios na maluwalhati magpakailan man. Siya nawa.
HEBREO 1:1-2 (TAG)
1. Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba’t ibang panahon at sa iba’t ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta,
2. Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya’y ginawa ang sanglibutan;
APOCALIPSIS 1:4 (TAG)
Si Juan sa pitong iglesia na nasa Asia: Biyaya ang sumainyo nawa, at kapayapaang mula doon sa kaniya na ngayon, at nang nakaraan at darating; at mula sa pitong Espiritu na nasa harapan ng kaniyang luklukan;
I CORINTO 1:1-2 (TAG)
1. Si Pablo, na tinawag na maging apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at si Sostenes na ating kapatid,
2. Sa iglesia ng Dios na nasa Corinto, sa makatuwid baga’y sa mga pinapagingbanal kay Cristo Jesus, na tinawag na mangagbanal, na kasama ng lahat ng mga nagsisitawag sa bawa’t dako, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kanila at ating Panginoon:
GENESIS 22:18 (TAG)
At pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa; sapagka’t sinunod mo ang aking tinig.
MALAKIAS 1:11 (TAG)
Sapagka’t mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, magiging dakila ang aking pangalan sa mga Gentil; at sa bawa’t dako ay paghahandugan ng kamangyan ang aking pangalan, at ng dalisay na handog: sapagka’t ang aking pangalan ay magiging dakila sa gitna ng mga Gentil, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
I TESALONICA 5:21-22 (TAG)
21. Subukin ninyo ang lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti;
22. Layuan ninyo ang bawa’t anyo ng masama.
I TESALONICA 2:13-14 (TAG)
13. At dahil naman dito kami ay nangagpapasalamat na walang patid sa Dios, na nang inyong tanggapin sa amin ang salita na ipinangaral, sa makatuwid baga’y ang salita ng Dios, ay inyong tinanggap na hindi gaya ng salita ng mga tao, kundi, ayon sa katotohanan, na salita ng Dios, na gumagawa naman sa inyo na nagsisisampalataya.
14. Sapagka’t kayo, mga kapatid, ay nagsitulad sa mga iglesia ng Dios na nasa Judea kay Cristo Jesus: sapagka’t nagsipagbata naman kayo sa inyong sariling mga kababayan, gaya naman nila sa mga Judio;
FILIPOS 4:7-9 (TAG)
7. At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.
8. Katapustapusan, mga kapatid, anomang bagay na katotohanan, anomang bagay na kagalanggalang, anomang bagay na matuwid, anomang bagay na malinis, anomang bagay na kaibigibig, anomang bagay na mabuting ulat; kung may anomang kagalingan, at kung may anomang kapurihan, ay isipin ninyo ang mga bagay na ito.
9. Ang mga bagay na inyong natutuhan at tinanggap at narinig at nakita sa akin, ang mga bagay na ito ang gawin ninyo: at ang Dios ng kapayapaan ay sasa inyo.
FILIPOS 1:27 (TAG)
Ang inyo lamang pamumuhay ay maging karapatdapat sa evangelio ni Cristo: upang, maging ako ay dumating at kayo’y makita, o wala man sa harap ninyo, ay mabalitaan ko ang inyong kalagayan, na kayo’y matitibay sa isang espiritu, na kayo’y mangagkaisa ng kaluluwa na nangagsisikap sa pananampalataya sa evangelio;
JUAN 7:17-18 (TAG)
17. Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito’y sa Dios, o kung ako’y nagsasalita na mula sa aking sarili.
18. Ang nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili’y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian: datapuwa’t ang humahanap ng kaluwalhatian niyaong sa kaniya’y nagsugo, ang gayon ay totoo, at sa kaniya’y walang kalikuan.
ROMA 10:20 (TAG)
At si Isaias ay buong tapang na nagsasabi, Ako’y nasumpungan nilang mga hindi nagsisihanap sa akin; Nahayag ako sa kanilang mga hindi nagsisipagtanong tungkol sa akin.