Sunday Gathering

Ang Halaga Sa Sinomang Sasampalataya Na Maratnan Ng Salita Ng Dios Sa Panahong Ito ASB

Note:

I CORINTO 14:36 (TAG)
Ano? lumabas baga mula sa inyo ang salita ng Dios? o sa inyo lamang dumating?

Pas. Paano nararapat dumating ang salita ng Dios sa kinauukulan sa panahong ito?

ROMA 15:20-21 (TAG)
20. Aking nilayon na maipangaral ang evangelio, hindi doon sa napagbalitaan na kay Cristo, upang huwag akong magtayo sa ibabaw ng pinagsaligan ng iba;
21. Kundi, gaya ng nasusulat, Makakakita silang mga hindi dinatnan ng mga balita tungkol sa kaniya, At silang hindi nangakapakinig, ay mangakakatalastas.

(noon madaling question-in ang pagkasugo dahil mapapatunayang may nagsugo. kaya paano sila mangangaral kung hindi sinugo. Ngayon alam nating walang nagsusugo dahil ito mapapatunayan)

ROMA 10:14-15,17 (TAG)
14. Paano nga silang magsisitawag doon sa hindi nila sinampalatayanan? at paano silang magsisisampalataya sa kaniya na hindi nila napakinggan? at paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?
15. At paano silang magsisipangaral, kung hindi sila nga sinugo? gaya nga ng nasusulat, Anong pagkaganda ng mga paa niyaong mga nagdadala ng masasayang balita ng mga bagay na mabuti!
17. Kaya nga ang paniniwala’y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.

JUAN 10:34-35 (TAG)
34. Sinagot sila ni Jesus, Hindi baga nasusulat sa inyong kautusan, Aking sinabi, Kayo’y mga dios?
35. Kung tinawag niyang mga dios, yaong mga dinatnan ng salita ng Dios (at hindi mangyayaring sirain ang kasulatan),

I. Bakit kailangan na ang tao ay datnan ng salita ng Dios para maging kabilang sa tinatawag na mga dios?

JUAN 17:17 (TAG)
Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo’y katotohanan.

JUAN 15:3 (TAG)
Kayo’y malilinis na sa pamamagitan ng salita na sa inyo’y aking sinalita.

SANTIAGO 3:2 (TAG)
Sapagka’t sa maraming mga bagay tayong lahat ay nangatitisod. Kung ang sinoman ay hindi natitisod sa salita, ay isang taong sakdal ang gayon, may kaya rin namang makapigil ng buong katawan.

MATEO 5:48 (TAG)
Kayo nga’y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal.

II. Bakit nagiging mga dios ang mga sumasampalataya sa Panginoong Jesus kahit sa panahong ito

(anak din tayo, malaman na Dios si Cristo)

JUAN 10:30-35 (TAG)
30. Ako at ang Ama ay iisa.
31. Nagsidampot uli ng mga bato ang mga Judio upang siya’y batuhin.
32. Sinagot sila ni Jesus, Maraming mabubuting gawa na mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo; alin sa mga gawang yaon ang ibinabato ninyo sa akin?
33. Sinagot siya ng mga Judio, Hindi dahil sa mabuting gawa ay binabato ka namin, kundi sa pamumusong; at sapagka’t ikaw, bagaman ikaw ay tao, ay nagpapakunwari kang Dios.
34. Sinagot sila ni Jesus, Hindi baga nasusulat sa inyong kautusan, Aking sinabi, Kayo’y mga dios?
35. Kung tinawag niyang mga dios, yaong mga dinatnan ng salita ng Dios (at hindi mangyayaring sirain ang kasulatan),

 

AWIT 82:1,6 (TAG)
1. Ang Dios ay tumatayo sa kapisanan ng Dios; siya’y humahatol sa gitna ng mga dios.
6. Aking sinabi, Kayo’y mga dios, at kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan.