GENESIS 3:1-6 (TAG)
1. Ang ahas nga ay lalong tuso kay sa alin man sa mga hayop sa parang na nilikha ng Panginoong Dios. At sinabi niya sa babae, Tunay bang sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan?
2. At sinabi ng babae sa ahas, Sa bunga ng mga punong kahoy sa halamanan ay makakakain kami:
3. Datapuwa’t sa bunga ng punong kahoy na nasa gitna ng halamanan ay sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain niyaon, ni huwag ninyong hihipuin, baka kayo’y mamatay.
4. At sinabi ng ahas sa babae, Tunay na hindi kayo mamamatay:
5. Sapagka’t talastas ng Dios na sa araw na kayo’y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata, at kayo’y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama.
6. At nang makita ng babae, na ang bunga ng punong kahoy ay mabuting kanin, at nakalulugod sa mga mata, at kahoy na mananasa upang magpapantas sa tao, ay pumitas siya ng bunga niyaon at kinain; at binigyan din niya ang kaniyang asawang kasama niya, at ito’y kumain.
GENESIS 3:16 (TAG)
Sinabi niya sa babae, Pararamihin kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi; manganganak kang may kahirapan; at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya’y papapanginoon sa iyo.
GENESIS 3:17-19 (TAG)
17. At kay Adam ay sinabi, Sapagka’t iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na sinabi, Huwag kang kakain niyaon; sumpain ang lupa dahil sa iyo; kakain ka sa kaniya sa pamamagitan ng iyong pagpapagal sa lahat ng mga araw ng iyong buhay;
18. Ang isisibol niyaon sa iyo ay mga tinik at mga dawag; at kakain ka ng pananim sa parang;
19. Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay, hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagka’t diyan ka kinuha: sapagka’t ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi.
GENESIS 3:22-24 (TAG)
22. At sinabi ng Panginoong Dios, Narito’t ang tao’y naging parang isa sa atin, na nakakakilala ng mabuti at ng masama; at baka ngayo’y iunat ang kaniyang kamay at pumitas naman ng bunga ng punong kahoy ng buhay, at kumain at mabuhay magpakailan man:
23. Kaya pinalayas siya ng Panginoong Dios sa halamanan ng Eden, upang kaniyang bukirin ang lupaing pinagkunan sa kaniya.
24. Ano pa’t itinaboy ang lalake; at inilagay sa silanganan ng halamanan ng Eden ang mga Querubin at ang isang nagniningas na tabak na umiikot, upang ingatan ang daang patungo sa kahoy ng buhay.
I TIMOTEO 2:13-14 (TAG)
13. Sapagka’t si Adam ay siyang unang nilalang, saka si Eva;
14. At si Adam ay hindi nadaya, kundi ang babae nang madaya ay nahulog sa pagsalangsang;
GENESIS 3:6-7 (TAG)
6. At nang makita ng babae, na ang bunga ng punong kahoy ay mabuting kanin, at nakalulugod sa mga mata, at kahoy na mananasa upang magpapantas sa tao, ay pumitas siya ng bunga niyaon at kinain; at binigyan din niya ang kaniyang asawang kasama niya, at ito’y kumain.
7. At nadilat kapuwa ang kanilang mga mata, at kanilang nakilalang sila’y mga hubad; at sila’y tumahi ng mga dahon ng puno ng igos, at kanilang ginawang panapi.
ROMA 5:12 (TAG)
Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya’y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito’y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka’t ang lahat ay nangagkasala:
I CORINTO 15:21-22,45 (TAG)
21. Sapagka’t yamang sa pamamagitan ng tao’y dumating ang kamatayan, sa pamamagitan din naman ng tao’y dumating ang pagkabuhay na maguli sa mga patay.
22. Sapagka’t kung paanong kay Adam ang lahat ay nangamamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.
45. Gayon din naman nasusulat, Ang unang taong si Adam ay naging kaluluwang buhay. Ang huling Adam ay naging espiritung nagbibigay buhay.
EZEKIEL 18:2-4,19-20 (TAG)
2. Anong ibig ninyong sabihin na inyong sinasambit ang kawikaang ito tungkol sa lupain ng Israel, na sinasabi, Kinain ng mga magulang ang mga maasim na ubas, at ang mga ngipin ng mga anak ay nagsisipangilo?
3. Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi na ninyo sasambitin pa ang kawikaang ito sa Israel.
4. Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay.
19. Gayon ma’y sinasabi ninyo, Bakit hindi dinadala ng anak ang kasamaan ng ama? Pagka ginawa ng anak ang tapat at matuwid, at nag-ingat ng lahat na aking palatuntunan, at isinagawa, siya’y walang pagsalang mabubuhay.
20. Ang kaluluwa na nagkakasala, mamamatay: ang anak ay hindi magdadanas ng kasamaan ng ama, o magdadanas man ang ama ng kasamaan ng anak; ang katuwiran ng matuwid ay sasa kaniya, at ang kasamaan ng masama ay sasa kaniya.
JUAN 8:24 (TAG)
Sinabi ko nga sa inyo, na kayo’y mangamamatay sa inyong mga kasalanan: sapagka’t malibang kayo’y magsisampalataya na ako nga ang Cristo, ay mangamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.
ROMA 5:12 (TAG)
Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya’y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito’y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka’t ang lahat ay nangagkasala: