Prayer Meeting

Kung Bakit Ginampanan Ng Cristo Ang Pagiging Pastor Sa Kanyang Mga Tagasunod ASB

Pas. Ano ang isa sa naging pagpapakilala ng biblia sa mga tagasunod ng Panginoong Jesu-Cristo?

JUAN 10:14-15 (TAG)
14. Ako ang mabuting pastor; at nakikilala ko ang sariling akin, at ang sariling akin ay nakikilala ako,
15. Gaya ng pagkakilala sa akin ng Ama, at ng sa Ama ay pagkakilala ko; at ibinibigay ko ang aking buhay dahil sa mga tupa.

JUAN 10:4-5,16 (TAG)

16. At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila’y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila’y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor.

4. Pagka nailabas na niya ang lahat ng sariling kaniya, ay pinangungunahan niya sila, at nagsisisunod sa kaniya ang mga tupa: sapagka’t nakikilala nila ang kaniyang tinig.
5. At sa iba’y hindi sila magsisisunod, kundi magsisitakas sa kaniya: sapagka’t hindi nila nakikilala ang tinig ng mga iba.

MATEO 15:24 (TAG)
Datapuwa’t siya’y sumagot at sinabi, Hindi ako sinugo kundi sa mga tupang nangaligaw sa bahay ni Israel.

MATEO 10:5-6 (TAG)
5. Ang labingdalawang ito’y sinugo ni Jesus, at sila’y pinagbilinan, na sinasabi, Huwag kayong magsitungo sa alin mang daan ng mga Gentil, at huwag kayong magsipasok sa alin mang bayan ng mga taga Samaria:
6. Kundi bagkus magsiparoon kayo sa mga tupang nangawaglit sa bahay ni Israel.

I. Bakit kailangan gampanan ng Cristo ang pagiging pastor sa kanyang mga inaakay?

MATEO 26:31-32 (TAG)
31. Nang magkagayo’y sinabi sa kanila ni Jesus, Kayong lahat ay mangagdaramdam sa akin sa gabing ito: sapagka’t nasusulat, Sasaktan ko ang pastor, at mangangalat ang mga tupa ng kawan.
32. Datapuwa’t pagkapagbangon ko, ay mauuna ako sa inyo sa Galilea.

ZACARIAS 13:7 (TAG)
Gumising ka, Oh tabak, laban sa pastor ko, at laban sa lalake na aking kasama, sabi ng Panginoon ng mga hukbo: saktan mo ang pastor at ang mga tupa ay mangangalat; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa mga maliit.

ZACARIAS 13:7-9 (TAG)
7. Gumising ka, Oh tabak, laban sa pastor ko, at laban sa lalake na aking kasama, sabi ng Panginoon ng mga hukbo: saktan mo ang pastor at ang mga tupa ay mangangalat; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa mga maliit.
8. At mangyayari, na sa buong lupain, sabi ng Panginoon, dalawang bahagi ay mahihiwalay at mamamatay; nguni’t ang ikatlo ay maiiwan.
9. At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila’y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila’y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila’y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya’y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay aking Dios.

II. Ano ang katuparan ng hula ni Zacarias na dalawang bahagi mahihiwalay at mamatay at ang ikatlo ay maiiwan?

HEBREO 8:8 (TAG)
Sapagka’t sa pagkakita ng kakulangan sa kanila, ay sinabi niya, Narito, dumarating ang mga araw, sinasabi ng Panginoon, Na ako’y gagawa ng isang bagong pakikipagtipan; sa sangbahayan ni Israel at sa sangbahayan ni Juda.

LUCAS 22:20 (TAG)
Gayon din naman ang saro, pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito’y ang bagong tipan sa aking dugo, na nabubuhos nang dahil sa inyo.

MATEO 21:43 (TAG)
Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Aalisin sa inyo ang kaharian ng Dios, at ibibigay sa isang bansang nagkakabunga.

GAWA 1:6-7 (TAG)
6. Tinanong nga siya nila nang sila’y nangagkakatipon, na nangagsasabi, Panginoon, isasauli mo baga ang kaharian sa Israel sa panahong ito?
7. At sinabi niya sa kanila, Hindi ukol sa inyo ang pagkaalam ng mga panahon o ng mga bahagi ng panahon, na itinakda ng Ama sa kaniyang sariling kapamahalaan.

I PEDRO 2:9 (TAG)
Datapuwa’t kayo’y isang lahing hirang, isang makaharing pagkasaserdote, bansang banal, bayang pag-aaring sarili ng Dios, upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo mula sa kadiliman, hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kaliwanagan:

ROMA 11:25 (TAG)
Sapagka’t hindi ko ibig, mga kapatid, na di ninyo maalaman ang hiwagang ito, baka kayo’y mangagmarunong sa inyong sariling mga haka, na ang katigasan ng isang bahagi ay nangyari sa Israel, hanggang sa pumasok ang kapunuan ng mga Gentil;