I PEDRO 2:20-21 (TAG)
20. Sapagka’t anong kapurihan nga, kung kayo’y nangagkakasala, at kayo’y tinatampal ay inyong tanggapin na may pagtitiis? nguni’t kung kayo’y gumagawa ng mabuti, at kayo’y nagbabata, ay inyong tanggapin na may pagtitiis, ito’y kalugodlugod sa Dios.
21. Sapagka’t sa ganitong bagay kayo’y tinawag: sapagka’t si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo’y iniwanan ng halimbawa, upang kayo’y mangagsisunod sa mga hakbang niya:
GAWA 20:35 (TAG)
Nagbigay halimbawa ako sa inyo sa lahat ng mga bagay, na sa ganitong pagpapagal ay dapat kayong magsisaklolo sa mahihina, at alalahanin ang mga salita ng Panginoong Jesus, na siya rin ang may sabi, Lalo pang mapalad ang magbigay kay sa tumanggap.
II CORINTO 3:2-3 (TAG)
2. Kayo ay ang aming sulat, na nasusulat sa aming mga puso, nakikilala at nababasa ng lahat ng mga tao;
3. Yamang nahahayag na kayo’y sulat ni Cristo, na pinangasiwaan namin, hindi isinulat ng tinta, kundi ng Espiritu, ng Dios na buhay, hindi sa mga tapyas ng bato, kundi sa mga tapyas ng pusong laman.
GALACIA 6:17 (TAG)
Buhat ngayon sinoman ay huwag bumagabag sa akin; sapagka’t dala kong nakalimbag sa aking katawan ang mga tanda ni Jesus.
GALACIA 4:11-15 (TAG)
11. Ako’y natatakot tungkol sa inyo, baka sa anomang paraan ay nagpagal ako sa inyo ng walang kabuluhan.
12. Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na kayo’y mangagsitulad sa akin, sapagka’t ako’y katulad din ninyo. Wala kayong ginawa sa aking anomang kasamaan.
13. Datapuwa’t nalalaman ninyo na dahil sa sakit ng laman, ay ipinangaral ko sa inyo ang evangelio nang pasimula:
14. At yaong sa inyo’y isang tukso sa aking laman ay hindi ninyo inalipusta, ni itinakuwil man; kundi ako’y tinanggap ninyong tulad sa isang anghel ng Dios, tulad kay Cristo Jesus.
15. Saan nga naroon yaong inyong kapalaran? sapagka’t pinatototohanan ko sa inyo, na, kung mangyayari, ay inyong dinukit sana ang inyong mga mata at ibinigay sa akin.
COLOSAS 1:24 (TAG)
Ngayo’y nagagalak ako sa aking mga hirap dahil sa inyo, at aking pinupunan sa akin ang kakulangan ng mga hirap ni Cristo sa aking laman dahil sa kaniyang katawan, na siyang iglesia;
I CORINTO 15:9-10 (TAG)
9. Ako nga ang pinakamaliit sa mga apostol, at hindi ako karapatdapat na tawaging apostol, sapagka’t pinagusig ko ang iglesia ng Dios.
10. Datapuwa’t sa pamamagitan ng biyaya ng Dios, ako nga’y ako; at ang kaniyang biyaya na ibinigay sa akin ay hindi nawawalan ng kabuluhan; bagkus ako’y malabis na nagpagal kay sa kanilang lahat: bagaman hindi ako, kundi ang biyaya ng Dios na sumasa akin.
JUAN 14:12 (TAG)
Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sa akin ay sumasampalataya, ay gagawin din naman niya ang mga gawang aking ginagawa; at lalong dakilang mga gawa kay sa rito ang gagawin niya; sapagka’t ako’y paroroon sa Ama.
GALACIA 6:10 (TAG)
Kaya nga, samantalang tayo’y may pagkakataon, ay magsigawa tayo ng mabuti sa lahat, at lalong lalo na sa mga kasangbahay sa pananampalataya.