Sunday Gathering

Kung Bakit Ang Hiling Ay Sa Kaharian Subalit Sa Paraiso Ang Naging Pangako Ng Cristo ASB

Pas. Ang ang sinasabi ng kasulatan ukol sa Paraiso?

EZEKIEL 28:13 (TAG)
Ikaw ay nasa Eden, na halamanan ng Dios; lahat na mahalagang bato ay iyong kasuutan, ang sardio, ang topacio, at ang diamante, ang berilo, ang onix, at ang jaspe, ang zafiro, ang esmeralda, at ang karbungko, at ang ginto: ang pagkayari ng iyong pandereta at iyong mga plauta ay napasa iyo; sa kaarawan na ikaw ay lalangin ay nangahanda.

APOCALIPSIS 2:7 (TAG)
Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay, ay siya kong pakakanin ng punong kahoy ng buhay, na nasa Paraiso ng Dios.

APOCALIPSIS 22:1-2 (TAG)
1. At ipinakita niya sa akin ang isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng bubog, na lumalabas sa luklukan ng Dios at ng Cordero,
2. Sa gitna ng lansangang yaon. At sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito, naroon ang punong kahoy ng buhay, na namumunga ng labingdalawang iba’t ibang bunga, na namumunga sa bawa’t buwan: at ang mga dahon ng punong kahoy ay pangpagaling sa mga bansa.

APOCALIPSIS 21:1-2 (TAG)
1. At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka’t ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na.
2. At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.

II CORINTO 12:2-4 (TAG)
2. Nakikilala ko ang isang lalake kay Cristo, na mayroong nang labingapat na taon (maging sa katawan, aywan ko; o maging sa labas ng katawan, aywan ko; Dios ang nakaaalam) na inagaw hanggang sa ikatlong langit.
3. At nakikilala ko ang taong iyan (maging sa katawan, o sa labas ng katawan, aywan ko; Dios ang nakaaalam),
4. Na kung paanong siya’y inagaw sa Paraiso, at nakarinig ng mga salitang di masayod na hindi nararapat salitain ng tao.

I. Sino ang mga nakatakda ng magmamana ng paraiso ayon sa biblia?

HEBREO 11:16 (TAG)
Nguni’t ngayon ay nagnanasa sila ng lalong magaling na lupain, sa makatuwid baga’y ang sa langit: kaya hindi sila ikinahihiya ng Dios na tawaging Dios nila; sapagka’t kaniyang ipinaghanda sila ng isang bayan.

HEBREO 11:39-40 (TAG)
39. At ang lahat ng mga ito, nang sila’y mapatotohanan na dahil sa kanilang pananampalataya, ay hindi kinamtan ang pangako,
40. Na ipinaghanda ng Dios ng lalong mabuting bagay tungkol sa atin, upang sila’y huwag maging sakdal ng bukod sa atin.

LUCAS 23:42-43 (TAG)
42. At sinabi niya, Jesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian.
43. At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso.

II. Ano ang mahalagang maunawaan .... PAKSA?

LUCAS 17:20-21 (TAG)
20. At palibhasa’y tinanong siya ng mga Fariseo, kung kailan darating ang kaharian ng Dios, ay sinagot niya sila at sinabi, Ang kaharian ng Dios ay hindi paririto na mapagkikita:
21. Ni sasabihin man nila, Naririto! o Naririyan! sapagka’t narito, ang kaharian ng Dios ay nasa loob ninyo.

LUCAS 22:29 (TAG)
At kayo’y inihahalal kong isang kaharian, na gaya nga ng pagkahalal sa akin ng aking Ama,

APOCALIPSIS 20:4 (TAG)
At nakakita ako ng mga luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, sila’y pinagkalooban ng paghatol: at nakita ko ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila’y nangabuhay, at nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon.

MATEO 19:28 (TAG)
At sinabi ni Jesus sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kayong nagsisunod sa akin, sa pagbabagong lahi pagka uupo na ang Anak ng tao sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian, kayo nama’y magsisiupo sa labingdalawang luklukan, upang magsihukom sa labingdalawang angkan ng Israel.

I CORINTO 15:24-25,28 (TAG)

25. Sapagka’t kinakailangang siya’y maghari hanggang mailagay niya sa ilalim ng kaniyang mga talampakan ang lahat niyang mga kaaway.

28. At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo’y ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat.

24. Kung magkagayo’y darating ang wakas, pagka ibibigay na niya ang kaharian sa Dios, sa makatuwid baga’y sa Ama; pagka lilipulin na niya ang lahat ng paghahari, at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan.