JEREMIAS 30:24 (TAG)
Ang mabangis na galit ng Panginoon ay hindi mapaparam hanggang sa maisagawa, at hanggang sa kaniyang maisagawa ang haka ng kaniyang puso; sa mga huling araw ay iyong mauunawa.
HEBREO 1:1-2 (TAG)
1. Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba’t ibang panahon at sa iba’t ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta,
2. Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya’y ginawa ang sanglibutan;
JEREMIAS 30:19-22 (TAG)
19. At mula sa kanila magmumula ang pagpapasalamat, at ang tinig ng nangagsasaya: at aking pararamihin sila, at sila’y hindi magiging kaunti; akin ding luluwalhatiin sila, at sila’y hindi magiging maliit.
20. Ang kanilang mga anak naman ay magiging gaya nang una, at ang kanilang kapisanan ay matatatag sa harap ko, at aking parurusahan yaong lahat na nagsisipighati sa kanila.
21. At ang kanilang prinsipe ay magiging isa sa kanila, at ang kanilang puno ay magmumula sa gitna nila: at aking palalapitin siya, at siya’y lalapit sa akin: sapagka’t sino yaong nangahas upang lumapit sa akin? sabi ng Panginoon.
22. At kayo’y magiging aking bayan, at ako’y magiging inyong Dios.
COLOSAS 3:15 (TAG)
At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, na diya’y tinawag din naman kayo sa isang katawan; at kayo’y maging mapagpasalamat.
ROMA 11:25 (TAG)
Sapagka’t hindi ko ibig, mga kapatid, na di ninyo maalaman ang hiwagang ito, baka kayo’y mangagmarunong sa inyong sariling mga haka, na ang katigasan ng isang bahagi ay nangyari sa Israel, hanggang sa pumasok ang kapunuan ng mga Gentil;
JUAN 16:33 (TAG)
Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang kayo’y magkaroon sa akin ng kapayapaan. Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian: nguni’t laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan.
JEREMIAS 30:22 (TAG)
At kayo’y magiging aking bayan, at ako’y magiging inyong Dios.
I PEDRO 1:1 (TAG)
Si Pedro, na apostol ni Jesucristo, sa mga hinirang na nangingibang bayan na nasa Pangangalat sa Ponto, Galacia, Capadocia, Asia at Bitinia,
I PEDRO 2:9 (TAG)
Datapuwa’t kayo’y isang lahing hirang, isang makaharing pagkasaserdote, bansang banal, bayang pag-aaring sarili ng Dios, upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo mula sa kadiliman, hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kaliwanagan:
JEREMIAS 30:21 (TAG)
At ang kanilang prinsipe ay magiging isa sa kanila, at ang kanilang puno ay magmumula sa gitna nila: at aking palalapitin siya, at siya’y lalapit sa akin: sapagka’t sino yaong nangahas upang lumapit sa akin? sabi ng Panginoon.
BILANG 16:1-5 (TAG)
1. Si Core nga na anak ni Ishar, na anak ni Coath, na anak ni Levi sangpu ni Dathan at ni Abiram na mga anak ni Eliab, at si Hon na anak ni Peleth, na mga anak ni Ruben, ay nagsikuha ng mga tao:
2. At sila’y tumindig sa harap ni Moises, na kasama ng ilang mga anak ni Israel, na dalawang daan at limang pung prinsipe sa kapisanan na tinawag sa kapulungan na mga lalaking bantog:
3. At sila’y nagpupulong laban kay Moises at laban kay Aaron, at sinabi nila sa kanila, Kayo’y kumukuha ng malabis sa inyo, dangang ang buong kapisanan ay banal, bawa’t isa sa kanila, at ang Panginoon ay nasa gitna nila: bakit nga kayo’y magmamataas sa kapisanan ng Panginoon?
4. At nang marinig ni Moises, ay nagpatirapa.
5. At sinalita niya kay Core at sa kaniyang buong pulutong, na sinasabi, Sa kinaumagahan ay ipakikilala ng Panginoon kung sino ang kaniya, at kung sino ang banal, at kung sino ang palalapitin niya sa kaniya: sa makatuwid baga’y ang piliin ay siyang kaniyang palalapitin sa kaniya.
BILANG 17:8-10 (TAG)
8. At nangyari nang kinabukasan, na si Moises ay pumasok sa tabernakulo ng patotoo; at, narito, na ang tungkod ni Aaron sa sangbahayan ni Levi ay namulaklak at nagkaroon ng mga hinog na almendras.
9. At mula sa harap ng Panginoon ay inilabas ni Moises ang lahat ng tungkod sa lahat ng mga anak ni Israel: at kanilang pinagmalas, at kinuha ng bawa’t lalake ang kaniyang tungkod.
10. At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ibalik mo ang tungkod ni Aaron sa harap ng patotoo, upang ingatang pinakatanda laban sa mga anak ng panghihimagsik; upang iyong wakasan ang kanilang mga pag-upasala laban sa akin, upang huwag silang mamatay.
HEBREO 5:4 (TAG)
At sinoman ay hindi tumatanggap sa kaniyang sarili ng karangalang ito, liban na kung tawagin siya ng Dios, na gaya ni Aaron.
HEBREO 7:12 (TAG)
Sapagka’t nang palitan ang pagkasaserdote ay kinailangang palitan naman ang kautusan.
HEBREO 5:6 (TAG)
Gaya rin naman ng sinasabi niya sa ibang dako, Ikaw ay saserdote magpakailan man Ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.
HEBREO 9:24 (TAG)
Sapagka’t hindi pumasok si Cristo sa dakong banal na ginawa ng mga kamay, na kahalintulad lamang ng tunay; kundi sa talagang langit, upang humarap ngayon sa harapan ng Dios dahil sa atin:
HEBREO 9:12 (TAG)
At hindi rin naman sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at ng mga bulong baka, kundi sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo, ay pumasok na minsan magpakailan man sa dakong banal, na kinamtan ang walang hanggang katubusan.