Sunday Gathering

Ang Paraan ng Pagpapaisip o Pagpapaunawa ng Dios sa Tao Noon at Ngayon ASB

Pas. Ano ang mga dahilan at may mga bagay na nangyayaring pagpapaisip sa tao?

MATEO 16:21-23 (TAG)
21. Mula ng panahong yao’y nagpasimulang ipinakilala ni Jesus sa kaniyang mga alagad, na kinakailangang siya’y pumaroon sa Jerusalem, at magbata ng maraming bagay sa matatanda at sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba, at siya’y patayin, at muling ibangon sa ikatlong araw.
22. At isinama siya ni Pedro, at nagpasimulang siya’y pinagwikaan, na nagsasabi, Panginoon, malayo ito sa iyo: kailan man ay hindi mangyayari ito sa iyo.
23. Datapuwa’t lumingon siya, at sinabi kay Pedro, Lumagay ka sa likuran ko, Satanas: ikaw ay tisod sa akin: sapagka’t hindi mo pinagiisip ang mga bagay ng Dios, kundi ang mga bagay ng tao.

JUAN 13:26-27 (TAG)
26. Sumagot nga si Jesus, Yaong aking ipagsawsaw at bigyan ng tinapay ay siya nga. Kaya’t nang maisawsaw niya ang tinapay, ay kinuha niya at ibinigay niya kay Judas, na anak ni Simon Iscariote.
27. At pagkatapos na maisubo, si Satanas nga ay pumasok sa kaniya. Sinabi nga sa kaniya ni Jesus, Ang ginagawa mo, ay gawin mong madali.

GAWA 5:3-4 (TAG)
3. Datapuwa’t sinabi ni Pedro, Ananias, bakit pinuspos ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling sa Espiritu Santo, at upang maglingid ng isang bahagi ng halaga ng lupa?
4. Nang yao’y nananatili pa, hindi baga yao’y nanatiling iyong sarili? at nang maipagbili na, hindi baga nasa iyo ring kapangyarihan? Ano’t inisip mo pa ang bagay na ito sa iyong puso? hindi ka nagsinungaling sa mga tao, kundi sa Dios.

I. Ano ang paraan ng .... PAKSA?

BILANG 12:6-8 (TAG)
6. At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo ngayon ang aking mga salita: kung mayroon sa gitna ninyo na isang propeta, akong Panginoon ay pakikilala sa kaniya sa pangitain, na kakausapin ko siya sa panaginip.
7. Ang aking lingkod na si Moises ay hindi gayon; siya’y tapat sa aking buong buhay:
8. Sa kaniya’y makikipag-usap ako ng bibig, sa bibig, ng maliwanag, at hindi sa malabong salitaan; at ang anyo ng Panginoon ay kaniyang makikita: bakit nga hindi kayo natakot na magsalita laban sa aking lingkod, laban kay Moises?

 

LUCAS 1:11-13 (TAG)
11. At napakita sa kaniya ang isang anghel ng Panginoon, na nakatayo sa dakong kanan ng dambana ng kamangyan.
12. At nagulumihanan si Zacarias, pagkakita niya sa kaniya, at dinatnan siya ng takot.
13. Datapuwa’t sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Zacarias: sapagka’t dininig ang daing mo, at ang asawa mong si Elisabet ay manganganak sa iyo ng isang anak na lalake, at tatawagin mong Juan ang kaniyang pangalan.

MATEO 1:19-20 (TAG)
19. At si Jose na kaniyang asawa, palibhasa’y lalaking matuwid, at ayaw na ihayag sa madla ang kaniyang kapurihan, ay nagpasiyang hiwalayan siya ng lihim.
20. Datapuwa’t samantalang pinagiisip niya ito, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka’t ang kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo.

GALACIA 1:11-12 (TAG)
11. Sapagka’t aking ipinatatalastas sa inyo, mga kapatid, tungkol sa evangelio na aking ipinangaral, na ito’y hindi ayon sa tao.
12. Sapagka’t hindi ko tinanggap ito sa tao, ni itinuro man sa akin, kundi aking tinanggap sa pamamagitan ng pahayag ni Jesucristo.

GAWA 13:2 (TAG)
At nang sila’y nagsisipaglingkod sa Panginoon, at nangagaayuno, ay sinabi ng Espiritu Santo, Ibukod ninyo sa akin si Bernabe at si Saulo sa gawaing itinawag ko sa kanila.

II. Paano nakikipagugnayan ang Dios sa ating panahon?

GALACIA 3:2,5 (TAG)
2. Ito lamang ang ibig kong maalaman sa inyo, Tinanggap baga ninyo ang Espiritu sa pamamagitan ng mga gawang ayon sa kautusan, o sa pamamagitan ng pakikinig ng tungkol sa pananampalataya?
5. Siya na nagbibigay nga sa inyo ng Espiritu, at gumagawa ng mga himala sa gitna ninyo, ginagawa baga sa pamamagitan ng mga gawang ayon sa kautusan, o sa pakikinig ng tungkol sa pananampalataya?

I CORINTO 2:7-10 (TAG)
7. Kundi sinasalita namin ang karunungan ng Dios sa hiwaga, yaong karunungan na itinalaga ng Dios, bago nilalang ang mga sanglibutan sa ikaluluwalhati natin:
8. Na hindi napagkilala ng sinomang pinuno sa sanglibutang ito: sapagka’t kung nakilala sana nila, ay dising di ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian:
9. Datapuwa’t gaya ng nasusulat, Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at ni narinig ng tainga, Ni hindi pumasok sa puso ng tao, Anomang mga bagay na inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa kaniya.
10. Nguni’t ang mga ito ay ipinahayag sa atin ng Dios sa pamamagitan ng Espiritu; sapagka’t nasisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay, oo, ang malalalim na mga bagay ng Dios.

II TIMOTEO 2:7 (TAG)
Isipin mo ang sinasabi ko; sapagka’t bibigyan ka ng Panginoon ng pagkaunawa sa lahat ng mga bagay.

GALACIA 5:22-23 (TAG)
22. Datapuwa’t ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,
23. Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.