GAWA 1:15-26 (TAG)
15. At nang mga araw na ito’y nagtindig si Pedro sa gitna ng mga kapatid, at nagsabi (at nangagkakatipon ang karamihang mga tao, na may isang daa’t dalawangpu),
16. Mga kapatid, kinakailangang matupad ang kasulatan, na nang una ay sinalita ng Espiritu Santo, sa pamamagitan ng bibig ni David tungkol kay Judas, na siyang pumatnugot sa nagsihuli kay Jesus.
17. Sapagka’t siya’y ibinilang sa atin, at siya’y tumanggap ng kaniyang bahagi sa ministeriong ito.
18. Kumuha nga ang taong ito ng isang parang sa pamamagitan ng ganti sa kaniyang katampalasanan; at sa pagpapatihulog ng patiwarik, ay pumutok siya sa gitna, at sumambulat ang lahat ng mga laman ng kaniyang tiyan.
19. At ito’y nahayag sa lahat ng mga nagsisitahan sa Jerusalem; ano pa’t tinawag ang parang na yaon sa kanilang wika na Aceldama, sa makatuwid baga’y, Ang parang ng Dugo.)
20. Sapagka’t nasusulat sa aklat ng Mga Awit, Bayaang mawalan nawa ng tao ang kaniyang tahanan, At huwag bayaang manahan doon ang sinoman; at, Bayaang kunin ng iba ang kaniyang katungkulan.
21. Sa mga taong ito nga na nangakisama sa atin sa buong panahon na ang Panginoong si Jesus ay pumapasok at lumalabas sa atin,
22. Magmula sa pagbautismo ni Juan, hanggang sa araw na siya’y tanggapin sa itaas mula sa atin, ay nararapat na ang isa sa mga ito’y maging saksi na kasama natin sa kaniyang pagkabuhay na maguli.
23. At kanilang ibinukod ang dalawa, si Jose na tinatawag na Barsabas, na pinamagatang Justo, at si Matias.
24. At sila’y nagsipanalangin, at nagsipagsabi, Ikaw, Panginoon, na nakatataho ng mga puso ng lahat ng mga tao, ay ipakilala mo kung alin sa dalawang ito ang iyong hinirang,
25. Upang tanggapin ang katungkulan sa ministeriong ito at pagkaapostol na kinahulugan ni Judas, upang siya’y makaparoon sa kaniyang sariling kalalagyan.
26. At sila’y pinagsapalaran nila; at nagkapalad si Matias; at siya’y ibinilang sa labingisang apostol.
I CORINTO 7:25 (TAG)
Ngayon, tungkol sa mga dalaga ay wala akong utos ng Panginoon: nguni’t ibinibigay ko ang aking pasiya, na tulad sa nagkamit ng habag ng Panginoon upang mapagkatiwalaan.
GAWA 15:28-29 (TAG)
28. Sapagka’t minagaling ng Espiritu Santo, at namin, na huwag kayong atangan ng lalong mabigat na pasanin maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan:
29. Na kayo’y magsiilag sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo, at sa mga binigti, at sa pakikiapid; kung kayo’y mangilag sa mga bagay na ito, ay ikabubuti ninyo. Paalam na sa inyo.
MATEO 16:18-19 (TAG)
18. At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.
19. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.
MATEO 18:18 (TAG)
Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ang lahat ng mga bagay na inyong talian sa lupa ay tatalian sa langit: at ang lahat ng mga bagay na inyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.
MATEO 18:15-18 (TAG)
15. At kung magkasala laban sa iyo ang kapatid mo, pumaroon ka, at ipakilala mo sa kaniya ang kaniyang kasalanan na ikaw at siyang magisa: kung ikaw ay pakinggan niya, ay nagwagi ka sa iyong kapatid.
16. Datapuwa’t kung hindi ka niya pakinggan, ay magsama ka pa ng isa o dalawa, upang sa bibig ng dalawang saksi o tatlo ay mapagtibay ang bawa’t salita.
17. At kung ayaw niyang pakinggan sila, ay sabihin mo sa iglesia: at kung ayaw rin niyang pakinggan ang iglesia, ay ipalagay mo siyang tulad sa Gentil at maniningil ng buwis.
18. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ang lahat ng mga bagay na inyong talian sa lupa ay tatalian sa langit: at ang lahat ng mga bagay na inyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.
JUAN 20:23 (TAG)
Sinomang inyong patawarin ng mga kasalanan, ay ipinatatawad sa kanila; sinomang hindi ninyo patawarin ng mga kasalanan, ay hindi pinatatawad.
I CORINTO 5:1-3 (TAG)
1. Sa kasalukuya’y nababalita na sa inyo’y may pakikiapid, at ang ganyang pakikiapid ay wala kahit sa mga Gentil, na isa sa inyo’y nagaari ng asawa ng kaniyang ama.
2. At kayo’y mga mapagpalalo, at hindi kayo bagkus nangalumbay, upang maalis sa gitna ninyo ang gumagawa ng gawang ito.
3. Sapagka’t ako sa katotohanan, bagama’t wala sa harapan ninyo sa katawan nguni’t ako’y nasa harapan ninyo sa espiritu, akin ngang hinatulan na ang gumawa ng bagay na ito, na tulad sa ako’y nahaharap,
I CORINTO 5:12-13 (TAG)
12. Sapagka’t ano sa akin ang humatol sa nangasa labas? Hindi baga kayo nagsisihatol sa nangasa loob?
13. Datapuwa’t sa nangasa labas ay Dios ang humahatol. Alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao.
II CORINTO 2:10 (TAG)
Datapuwa’t ang inyong pinatatawad ng anoman ay pinatatawad ko rin naman: sapagka’t ang aking ipinatawad naman, kung ako’y nagpapatawad ng anoman, ay dahil sa inyo, sa harapan ni Cristo;
I TIMOTEO 1:19-20 (TAG)
19. Na ingatan mo ang pananampalataya at ang mabuting budhi; na nang ito’y itakuwil ng iba sa kanila ay nangabagbag tungkol sa pananampalataya:
20. Na sa mga ito’y si Himeneo at si Alejandro; na sila’y aking ibinigay kay Satanas, upang sila’y maturuang huwag mamusong.