Prayer Meeting

Ang Hayop Na Naging Siya At Wala Na At Darating ASB

Pas. Mayroon bang naging pagtalakay sa hula ukol sa hayop sa panahon ni apostol Pablo?

II TESALONICA 2:1-2 (TAG)
1. Ngayon aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, tungkol sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo, at sa ating pagkakatipon sa kaniya:
2. Upang huwag kayong madaling makilos sa inyong pagiisip, at huwag din naman kayong mabagabag maging sa pamamagitan man ng espiritu, o sa pamamagitan ng salita, o sa pamamagitan ng sulat na waring mula sa amin, na wari bagang nalalapit na ang kaarawan ng Panginoon;

II TESALONICA 2:3-9 (TAG)
3. Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka’t ito’y hindi darating, maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas, at mahayag ang taong makasalanan, ang anak ng kapahamakan,
4. Na sumasalangsang at nagmamataas laban sa lahat na tinatawag na Dios o sinasamba; ano pa’t siya’y nauupo sa templo ng Dios, na siya’y nagtatanyag sa kaniyang sarili na tulad sa Dios.
5. Hindi baga ninyo naaalaala nang ako’y kasama ninyo pa, ay sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito?
6. At ngayo’y nalalaman ninyo ang nakapipigil, upang siya’y mahayag sa kaniyang talagang kapanahunan.
7. Sapagka’t ang hiwaga ng kasamaan ay gumagawa na: lamang ay may pumipigil ngayon, hanggang sa alisin ito.
8. At kung magkagayo’y mahahayag ang tampalasan, na papatayin ng Panginoong Jesus ng hininga ng kaniyang bibig, at sa pamamagitan ng pagkahayag ng kaniyang pagparito ay lilipulin;
9. Siya, na ang kaniyang pagparito ay ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan,

MATEO 24:15 (TAG)
Kaya nga pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel, na natatayo sa dakong banal (unawain ng bumabasa),

I. Ano ang naging batayan ni Pablo sa taong tampalasan na magsasalita ng kapusungan o laban sa Dios?

DANIEL 7:23-25 (TAG)
23. Ganito ang sabi niya, Ang ikaapat na hayop ay magiging ikaapat na kaharian sa ibabaw ng lupa, na magiging kaiba sa lahat ng kaharian, at sasakmalin ang buong lupa, at yuyurakan, at pagluluraylurayin.
24. At tungkol sa sangpung sungay, mula sa kahariang ito ay sangpung hari ang babangon: at ang isa’y babangong kasunod nila; at siya’y magiging kaiba kay sa mga una, at kaniyang ibabagsak ay tatlong hari.
25. At siya’y magbabadya ng mga salita laban sa Kataastaasan, at lilipulin niya ang mga banal ng Kataastaasan; at kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan; at sila’y mangabibigay sa kaniyang kamay hanggang sa isang panahon, at mga panahon at kalahati ng isang panahon.

DANIEL 7:2-7 (TAG)
2. Si Daniel ay nagsalita, at nagsabi, May nakita ako sa aking pangitain sa kinagabihan, at, narito, ang apat na hangin ng langit ay nagsisihihip sa malaking dagat.
3. At apat na malaking hayop na magkakaiba ay nagsiahon mula sa dagat,
4. Ang una’y gaya ng leon, at may mga pakpak ng aguila: aking minasdan hanggang sa ang mga pakpak niyao’y nahugot, at ito’y nataas mula sa lupa, at pinatayo sa dalawang paa na gaya ng isang tao; at puso ng tao ang nabigay sa kaniya.
5. At, narito, ang ibang hayop, na ikalawa, na gaya ng isang oso; at lumitaw sa isang tagiliran, at tatlong tadyang ang nasa kaniyang bibig sa pagitan ng kaniyang mga ngipin: at sinabi ng mga ito ang ganito sa kaniya, Bumangon ka, manakmal ka ng maraming laman.
6. Pagkatapos nito’y tumingin ako, at narito ang iba, gaya ng isang leopardo, na mayroon sa likod niyaon na apat na pakpak ng ibon; ang hayop ay mayroon din namang apat na ulo; at binigyan siya ng kapangyarihan.
7. Pagkatapos nito’y may nakita ako sa pangitain sa gabi, at, narito, ang ikaapat na hayop, kakilakilabot at makapangyarihan, at totoong malakas; at may malaking mga ngiping bakal; nananakmal at lumuluray, at niyuyurakan ng kaniyang mga paa ang nalabi: at kaiba sa lahat na hayop na una sa kaniya; at siya’y may sangpung sungay.

ROMA 9:27 (TAG)
At si Isaias ay sumisigaw tungkol sa Israel, Kung ang bilang man ng mga anak ng Israel ay maging tulad sa buhangin sa dagat, ay ang nalalabi lamang ang maliligtas:

GAWA 15:16-17 (TAG)
16. Pagkatapos ng mga bagay na ito, ako’y babalik, At muli kong itatayo ang tabernakulo ni David, na nabagsak; At muli kong itatayo ang nangasira sa kaniya. At ito’y aking itatayo:
17. Upang hanapin ng nalabi sa mga tao ang Panginoon, At ng lahat ng mga Gentil, na tinatawag sa aking pangalan,

II. Ano ang kaugnayan ng hayop ng unang siglo sa hayop na nakita ni Juan sa kanyang apokalipsis?

APOCALIPSIS 12:17 (TAG)
At nagalit ang dragon sa babae, at umalis upang bumaka sa nalabi sa kaniyang binhi, na siyang nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at mga may patotoo ni Jesus:

APOCALIPSIS 13:1-2 (TAG)
1. At siya’y tumayo sa buhanginan ng dagat. At nakita ko ang isang hayop na umaahon sa dagat, na may sangpung sungay at pitong ulo, at sa kanilang mga sungay ay may sangpung diadema, at sa kaniyang mga ulo ay mga pangalan ng kapusungan.
2. At ang hayop na aking nakita ay katulad ng isang leopardo, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng sa oso, at ang kaniyang bibig ay gaya ng bibig ng leon: at ibinigay sa kaniya ng dragon ang kaniyang kapangyarihan, at ang kaniyang luklukan, at dakilang kapamahalaan.

APOCALIPSIS 13:5-7 (TAG)
5. At binigyan siya ng isang bibig na nagsasalita ng malalaking bagay at mga kapusungan: at binigyan siya ng kapamahalaan, upang magpatuloy na apat na pu’t dalawang buwan.
6. At binuka niya ang kaniyang bibig sa mga kapusungan laban sa Dios, upang pusungin ang kaniyang pangalan, at ang kaniyang tabernakulo, gayon din naman ang mga nananahan sa langit.
7. At ipinagkaloob sa kaniya na makipagbaka sa mga banal, at pagtagumpayan sila; at binigyan siya ng kapamahalaan sa bawa’t angkan at bayan at wika at bansa.

APOCALIPSIS 17:8-14 (TAG)
8. At ang hayop na nakita mo ay naging siya, at wala na; at malapit ng umahon sa kalaliman, at patungo sa kapahamakan. At silang mga nananahan sa lupa ay manggigilalas na ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula nang itatag ang sanglibutan, pagkakita nila sa hayop, kung paano naging siya at wala na, at darating.
9. Narito ang pagiisip na may karunungan. Ang pitong ulo ay pitong bundok na kinauupuan ng babae:
10. At sila’y pitong hari; ang lima ay nanga buwal, ang isa’y narito, ang isa ay hindi pa dumarating; at pagdating niya ay dapat magtagal na sangdaling panahon.
11. At ang hayop na naging siya, at wala na, ay siya ring ikawalo at siya’y sa pito at siya’y patungo sa kapahamakan.
12. At ang sangpung sungay na iyong nakita ay sangpung hari, na hindi pa nagsisitanggap ng kaharian; datapuwa’t magsisitanggap sila ng kapamahalaang paghahari na isang oras na kasama ng hayop.
13. Ang mga ito ay may isang kaisipan, at ibinibigay nila ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan sa hayop.
14. Makikipagbaka ang mga ito laban sa Cordero, at sila’y dadaigin ng Cordero, sapagka’t siya’y Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga Hari; at ng mga kasama niya, na mga tinawag at mga pili at mga tapat ay nananaig din.

APOCALIPSIS 16:10 (TAG)
At ibinuhos ng ikalima ang kaniyang mangkok sa luklukan ng hayop na yaon; at nagdilim ang kaniyang kaharian; at nginatngat nila ang kanilang mga dila dahil sa hirap,

APOCALIPSIS 13:16-18 (TAG)
16. At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo;
17. At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, kundi siyang mayroong tanda, sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop o bilang ng kaniyang pangalan.
18. Dito’y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka’t siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay Anim na raan at anim na pu’t anim.