LUCAS 10:5-7 (TAG)
5. At sa alin mang bahay na inyong pasukin, ay sabihin ninyo muna, Kapayapaan nawa sa bahay na ito.
6. At kung mayroon doong anak ng kapayapaan, ang inyong kapayapaa’y mananatili sa kaniya: datapuwa’t kung wala, ay babalik ito sa inyong muli.
7. At magsipanatili kayo sa bahay ding yaon, na kanin at inumin ninyo ang mga bagay na kanilang ibigay: sapagka’t ang manggagawa ay marapat sa kaniyang kaupahan. Huwag kayong mangagpalipatlipat sa bahaybahay.
I CORINTO 9:14 (TAG)
Gayon din naman ipinagutos ng Panginoon na ang mga nagsisipangaral ng evangelio ay dapat mangabuhay sa pamamagitan ng evangelio.
MATEO 10:5-6 (TAG)
5. Ang labingdalawang ito’y sinugo ni Jesus, at sila’y pinagbilinan, na sinasabi, Huwag kayong magsitungo sa alin mang daan ng mga Gentil, at huwag kayong magsipasok sa alin mang bayan ng mga taga Samaria:
6. Kundi bagkus magsiparoon kayo sa mga tupang nangawaglit sa bahay ni Israel.
GALACIA 2:9 (TAG)
At nang makita nila ang biyayang sa akin ay ipinagkaloob, ang mga kanang kamay ng pakikisama ay ibinigay sa akin at kay Bernabe ni Santiago at ni Cefas at ni Juan, sila na mga inaaring haligi, upang kami ay magsiparoon sa mga Gentil, at sila’y sa pagtutuli;
I TESALONICA 2:9 (TAG)
Sapagka’t inaalaala ninyo, mga kapatid, ang aming pagpapagal at pagdaramdam: amin ngang ipinangaral ang evangelio ng Dios na kami ay gumagawa gabi’t araw, upang huwag kaming maging isang pasanin sa kanino man sa inyo.
GAWA 20:33-34 (TAG)
33. Hindi ko inimbot ang pilak ninoman, o ang ginto, o ang pananamit.
34. Nalalaman din ninyo na ang mga kamay na ito ay nangaglilingkod sa mga kinakailangan ko, at sa aking mga kasamahan.
III JUAN 1:1,5-7 (TAG)
1. Ang matanda, kay Gayo na minamahal, na aking iniibig sa katotohanan.
5. Minamahal, ginagawa mo ang tapat na gawa sa lahat ng iyong ginagawa doon sa mga kapatid at sa mga taga ibang lupa;
6. Na siyang nangagpapatotoo ng iyong pagibig sa harapan ng iglesia: na iyong gagawan ng magaling kung iyong tutulungan sila ng nararapat sa Dios, sa kanilang paglalakbay:
7. Sapagka’t dahil sa Pangalan, ay nangagsiyaon sila na walang kinuhang anoman sa mga Gentil.
GAWA 19:29 (TAG)
At napuno ng kaguluhan ang bayan: at pinagkaisahan nilang lusubin ang dulaan, na sinunggaban si Gayo at si Aristarco, mga lalaking taga Macedonia, na kasama ni Pablo sa paglalakbay.
GAWA 20:4 (TAG)
At siya’y sinamahan hanggang sa Asia, ni Sopatro na taga Berea, na anak ni Pirro; at ng mga taga Tesalonicang si Aristarco at si Segundo; at ni Gayo na taga Derbe, at ni Timoteo; at ng mga taga Asiang si Tiquico at si Trofimo.
ROMA 16:23 (TAG)
Binabati kayo ni Gayo na pinanunuluyanan ko, at ng buong iglesia. Binabati kayo ni Erasto na ingat-yaman ng bayan, at ng kapatid na si Cuarto.
I CORINTO 9:11-12 (TAG)
11. Kung ipinaghasik namin kayo ng mga bagay na ayon sa espiritu, malaking bagay baga na aming anihin ang inyong mga bagay na ayon sa laman?
12. Kung ang iba ay mayroon sa inyong matuwid, hindi baga lalo pa kami? Gayon ma’y hindi namin ginamit ang matuwid na ito; kundi aming tinitiis ang lahat ng mga bagay, upang huwag kaming makahadlang sa evangelio ni Cristo.
I CORINTO 9:18 (TAG)
Ano nga kaya ang aking ganting-pala? Na pagka ipinangangaral ko ang evangelio, ay ang evangelio ay maging walang bayad, upang huwag kong gamiting lubos ang aking karapatan sa evangelio.
I CORINTO 9:24-27 (TAG)
24. Hindi baga ninyo nalalaman na ang mga nagsisitakbo sa takbuhan ay tumatakbong lahat, nguni’t iisa lamang ang tumatanggap ng ganting-pala? Magsitakbo kayo ng gayon; upang magsipagtamo kayo.
25. At ang bawa’t tao na nakikipaglaban sa mga palaruan ay mapagpigil sa lahat ng mga bagay. Ginagawa nga nila ito upang magsipagtamo ng isang putong na may pagkasira; nguni’t tayo’y niyaong walang pagkasira.
26. Ako nga’y tumatakbo sa ganitong paraan, na hindi gaya ng nagsasapalaran; sa ganito rin ako’y sumusuntok, na hindi gaya ng sumusuntok sa hangin:
27. Nguni’t hinahampas ko ang aking katawan, at aking sinusupil: baka sakaling sa anomang paraan, pagkapangaral ko sa iba, ay ako rin ay itakuwil.
FILIPOS 4:18 (TAG)
Datapuwa’t mayroon ako ng lahat ng bagay, at sumasagana: ako’y busog, palibhasa’y tumanggap kay Epafrodito ng mga bagay na galing sa inyo, na isang samyo ng masarap na amoy, isang handog na kaayaaya, na lubhang nakalulugod sa Dios.