Jer 30:19; Awit 116:17-18; Zac 8:21; Heb 13:15-16
LEVITICO 7:1-5 (TAG)
1. At ito ang kautusan tungkol sa handog dahil sa pagkakasala: bagay ngang kabanalbanalan.
2. Sa dakong pinagpapatayan ng handog na susunugin ay doon papatayin ang handog dahil sa pagkakasala: at ang dugo niyao’y iwiwisik niya sa ibabaw ng dambana hanggang sa palibot.
3. At siya’y maghahandog niyaon ng lahat ng taba niyaon; ang buntot na mataba at ang tabang nakatatakip sa lamang loob,
4. At ang dalawang bato at ang tabang nasa ibabaw ng mga yaon, ang nasa siping ng mga balakang, at ang lamad na nasa ibabaw ng atay, ay kaniyang aalisin na kalakip ng mga bato:
5. At susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana na pinakahandog sa Panginoon na pinaraan sa apoy; handog nga dahil sa pagkakasala.
LEVITICO 7:11-13,15-17 (TAG)
11. At ito ang kautusan hinggil sa haing mga handog tungkol sa kapayapaan, na ihahandog sa Panginoon:
12. Kung ihahandog niya na pinaka pasalamat, ay ihahandog nga niyang kalakip ng haing pasalamat ang mga munting tinapay na walang lebadura na hinaluan ng langis, at ang mga manipis na tinapay na walang lebadura na pinahiran ng langis, at ang mainam na harina na munting tinapay na hinaluan ng langis.
13. Kalakip ng munting tinapay na walang lebadura kaniyang ihahandog ang alay niya, na kalakip ng haing mga handog tungkol sa kapayapaan na pinaka pasalamat.
15. At ang laman ng hain na kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan na pinaka pasalamat ay kakanin sa kaarawan ng kaniyang pagaalay; siya’y hindi magtitira niyaon ng hanggang sa umaga.
16. Nguni’t kung ang hain ng kaniyang alay ay sa pagtupad ng isang panata, o kusang handog, ay kaniyang makakain sa araw na kaniyang ihandog ang kaniyang hain: at sa kinaumagahan man ay kaniyang makakain ang labis:
17. Datapuwa’t ang lumabis sa laman ng hain hanggang sa ikatlong araw ay susunugin sa apoy.
AWIT 116:17-18 (TAG)
17. Aking ihahandog sa iyo ang hain na pasalamat, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
18. Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon, Oo, sa harapan ng buo niyang bayan;
I SAMUEL 1:9-11 (TAG)
9. Sa gayo’y bumangon si Ana pagkatapos na makakain sila sa Silo at pagkatapos na sila’y makainom. Ngayo’y si Eli na saserdote ay nakaupo sa upuan niya sa siping ng haligi ng pintuan ng templo ng Panginoon.
10. At siya’y nanalangin sa Panginoon ng buong paghihinagpis ng kaluluwa, at tumangis na mainam.
11. At siya’y nanata ng isang panata, at nagsabi, Oh Panginoon ng mga hukbo, kung tunay na iyong lilingunin ang pagkapighati ng iyong lingkod, at aalalahanin mo at hindi mo kalilimutan ang iyong lingkod, kundi iyong pagkakalooban ang iyong lingkod ng anak na lalake, ay akin ngang ibibigay sa Panginoon sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay, at walang pangahit na daraan sa kaniyang ulo.
I CRONICA 29:7-9 (TAG)
7. At ibinigay nila sa paglilingkod sa bahay ng Dios, ay ginto, na limang libong talento, at sangpung libong dariko, at pilak na sangpung libong talento, at tanso na labing walong libong talento, at bakal na isang daang libong talento.
8. At sila’y nangasumpungang may mga mahalagang bato ay nagsipagbigay sa kayamanan ng bahay ng Panginoon, sa ilalim ng kapangyarihan ng kamay ni Jehiel na Gersonita.
9. Nang magkagayo’y nagalak ang bayan, dahil sa sila’y nangaghandog na kusa, sapagka’t sila’y may dalisay na puso na nangaghandog na kusa sa Panginoon: at si David naman na hari ay nagalak ng dakilang pagkagalak.
I TESALONICA 5:18 (TAG)
Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo; sapagka’t ito ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo.
EFESO 5:20 (TAG)
Na kayo’y laging magpasalamat sa lahat ng mga bagay sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo sa Dios na ating Ama;
LUCAS 17:13-18 (TAG)
13. At sila’y nagsisigaw na nagsisipagsabi, Jesus, Guro, maawa ka sa amin.
14. At pagkakita niya sa kanila, ay sinabi niya sa kanila, Magsihayo kayo at kayo’y pakita sa mga saserdote. At nangyari, na samantalang sila’y nagsisiparoon, ay nangalinis sila.
15. At isa sa kanila, nang makita niyang siya’y gumaling, ay nagbalik, na niluluwalhati ang Dios ng malakas na tinig;
16. At siya’y nagpatirapa sa kaniyang paanan, na nagpapasalamat sa kaniya: at siya’y isang Samaritano.
17. At pagsagot ni Jesus ay nagsabi, Hindi baga sangpu ang nagsilinis? datapuwa’t saan nangaroon ang siyam?
18. Walang nagbalik upang lumuwalhati sa Dios, kundi itong taga ibang lupa?
II CORINTO 9:10-13,15 (TAG)
10. At ang nagbibigay ng binhi sa naghahasik at ng tinapay na pinakapagkain, ay magbibigay at magpaparami ng inyong binhi upang ihasik, at magdaragdag ng mga bunga ng inyong katuwiran:
11. Yamang kayo’y pinayaman sa lahat ng mga bagay na ukol sa lahat ng kagandahang-loob, na nagsisigawa sa pamamagitan namin ng pagpapasalamat sa Dios.
12. Sapagka’t ang pangangasiwa sa paglilingkod na ito ay hindi lamang tumatakip sa pangangailangan ng mga banal, kundi naman umaapaw sa pamamagitan ng maraming pagpapasalamat sa Dios;
13. Palibhasa’y sa pagsubok sa inyo sa pamamagitan ng ministeriong ito ay niluluwalhati nila ang Dios dahil sa pagtalima ng inyong pagkilala sa evangelio ni Cristo, at dahil sa kagandahang-loob ng inyong ambag sa kanila at sa lahat;
15. Salamat sa Dios dahil sa kaniyang kaloob na di masabi.
I CORINTO 15:57 (TAG)
Datapuwa’t salamat sa Dios, na nagbibigay sa atin ng pagtatagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo.
ROMA 1:8 (TAG)
Kaunaunahan, ay nagpapasalamat ako sa aking Dios sa pamamagitan ni Jesucristo tungkol sa inyong lahat, na ang inyong pananampalataya ay bantog sa buong sanglibutan.
ROMA 16:3-4 (TAG)
3. Batiin ninyo si Prisca at si Aquila na aking mga kamanggagawa kay Cristo Jesus,
4. Na ipinain ang kanilang mga leeg dahil sa aking buhay; na sa kanila’y hindi lamang ako ang nagpapasalamat, kundi naman ang lahat ng mga iglesia ng mga Gentil:
LUCAS 6:30-35 (TAG)
30. Bigyan mo ang bawa’t sa iyo’y humihingi; at sa kumuha ng pag-aari mo, ay huwag mong hinging muli.
31. At kung ano ang ibig ninyong sa inyo’y gawin ng mga tao, gayon din ang gawin ninyo sa kanila.
32. At kung kayo’y magsiibig sa mga nagsisiibig sa inyo, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? sapagka’t ang mga makasalanan man ay nagsisiibig sa nagsisiibig sa kanila.
33. At kung magsigawa kayo ng mabuti sa nagsisigawa sa inyo ng mabuti, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? sapagka’t ganito rin ang ginagawa ng mga makasalanan.
34. At kung kayo’y mangagpahiram doon sa mga inaasahan ninyong may tatanggapin, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? ang mga makasalanan man ay nangagpapahiram sa mga makasalanan, upang muling magsitanggap ng gayon din.
35. Datapuwa’t ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ninyo sila ng mabuti, at mangagpahiram kayo, na kailan man ay huwag mawawalan ng pagasa; at malaki ang sa inyo’y magiging ganti, at kayo’y magiging mga anak ng Kataastaasan: sapagka’t siya’y magandang-loob sa mga walang turing at sa masasama.