Prayer Meeting

Ang Mga Kasalanan Na Kung Gawin Ng Isang Cristiano Ay Walang Kapatawaran ASB

Pas. Ilan ang klase ng kasalanang ipinakikilala ng biblia?

I JUAN 5:16 (TAG)
Kung makita ng sinoman na ang kaniyang kapatid ay nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay, ay idalangin siya at bibigyan siya ng Dios ng buhay, na ukol sa mga nagkakasala nang hindi ikamamatay. May kasalanang ikamamatay: hindi tungkol dito ang sinasabi ko na idalangin niya.

SANTIAGO 1:13-15 (TAG)
13. Huwag sabihin ng sinoman pagka siya’y tinutukso, Ako’y tinutukso ng Dios; sapagka’t ang Dios ay hindi matutukso sa masamang bagay, at hindi rin naman siya nanunukso sa kanino man:
14. Kundi ang bawa’t tao ay natutukso, pagka nahihila ng sariling masamang pita at nahihikayat.
15. Kung magkagayo’y ang kahalayan, kung maipaglihi ay nanganganak ng kasalanan: at ang kasalanan, pagka malaki na ay namumunga ng kamatayan.

I. Ano ang maling pagpapaunawa ukol sa kasalanang ikamamatay o walang kapatawaran?

GAWA 15:28-29 (TAG)
28. Sapagka’t minagaling ng Espiritu Santo, at namin, na huwag kayong atangan ng lalong mabigat na pasanin maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan:
29. Na kayo’y magsiilag sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo, at sa mga binigti, at sa pakikiapid; kung kayo’y mangilag sa mga bagay na ito, ay ikabubuti ninyo. Paalam na sa inyo.

LEVITICO 17:14 (TAG)
Sapagka’t tungkol sa buhay ng lahat ng laman, ang dugo nga niyan ay gaya rin ng buhay niyan. Kaya’t sinabi ko sa mga anak ni Israel, Huwag kayong kakain ng dugo ng anomang laman: sapagka’t ang buhay ng buong laman ay ang kaniyang dugo: sinomang kumain niyan ay ihihiwalay.

LEVITICO 22:8 (TAG)
Yaong bagay na namatay sa sarili, o nilapa ng mga ganid, ay huwag niyang kakanin, na makapagpapahawa sa kaniya: ako ang Panginoon.

DEUTERONOMIO 14:21 (TAG)
Huwag kayong kakain ng anomang bagay na namatay sa sarili: iyong maibibigay sa taga ibang bayang nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, upang kaniyang kanin; o iyong maipagbibili sa taga ibang bayan: sapagka’t ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios. Huwag mong lulutuin ang guyang kambing sa gatas ng kaniyang ina.

EXODO 34:14-15 (TAG)
14. Sapagka’t hindi ka sasamba sa ibang dios: sapagka’t ang Panginoon na ang pangalan ay Mapanibughuin; ay mapanibughuin ngang Dios:
15. Magingat ka; baka ikaw ay makipagtipan sa mga tumatahan sa lupain, at sila’y sumunod sa kanilang mga dios, at magsipaghain sa kanilang mga dios, at ikaw ay alukin ng isa at kumain ka ng kanilang hain;

LEVITICO 18:6 (TAG)
Huwag lalapit ang sinoman sa inyo sa kanino man sa kaniyang kamaganak na malapit, upang ilitaw ang kaniyang kahubaran: ako ang Panginoon.

LEVITICO 18:20,22-23 (TAG)
20. At huwag kang sisiping sa asawa ng iyong kapuwa, na magpapakadumi sa kaniya.
22. Huwag kang sisiping sa lalake ng gaya sa babae: karumaldumal nga.
23. At huwag kang sisiping sa anomang hayop na magpapakadumi riyan: ni ang babae ay huwag lalagay sa harap ng hayop upang pasiping: kahalayhalay nga.

I. Ano ang .... PAKSA?

MARCOS 3:29 (TAG)
Datapuwa’t sinomang magsalita ng kapusungan laban sa Espiritu Santo ay walang kapatawaran magpakailan man, kundi may kasalanan ng isang kasalanang walang hanggan:

GAWA 5:3-5,9 (TAG)
3. Datapuwa’t sinabi ni Pedro, Ananias, bakit pinuspos ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling sa Espiritu Santo, at upang maglingid ng isang bahagi ng halaga ng lupa?
4. Nang yao’y nananatili pa, hindi baga yao’y nanatiling iyong sarili? at nang maipagbili na, hindi baga nasa iyo ring kapangyarihan? Ano’t inisip mo pa ang bagay na ito sa iyong puso? hindi ka nagsinungaling sa mga tao, kundi sa Dios.
5. At nang marinig ni Ananias ang mga salitang ito ay nahandusay at nalagot ang hininga: at sinidlan ng malaking takot ang lahat ng nangakarinig nito.
9. Datapuwa’t sinabi sa kaniya ni Pedro, Bakit kayo’y nagkasundo upang tuksuhin ang Espiritu ng Panginoon? narito, nangasa pintuan ang mga paa ng mga nagsipaglibing sa iyong asawa, at kanilang dadalhin ka sa labas.

I TIMOTEO 1:19-20 (TAG)
19. Na ingatan mo ang pananampalataya at ang mabuting budhi; na nang ito’y itakuwil ng iba sa kanila ay nangabagbag tungkol sa pananampalataya:
20. Na sa mga ito’y si Himeneo at si Alejandro; na sila’y aking ibinigay kay Satanas, upang sila’y maturuang huwag mamusong.

II TIMOTEO 3:8 (TAG)
At kung paanong si Janes at si Jambres ay nagsilaban kay Moises, ay gayon din naman ang mga ito’y nagsisilaban sa katotohanan; mga taong masasama ang pagiisip, mga itinakuwil tungkol sa pananampalataya.

TITO 3:10-11 (TAG)
10. Ang taong may maling pananampalataya pagkatapos nang una at ikalawang pagsaway ay itakuwil mo;
11. Yamang nalalaman mo na ang gayon ay napahamak, at nagkakasala at siya’y hinahatulan ng kaniyang sarili.

HEBREO 10:26-27 (TAG)
26. Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan,
27. Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway.

HEBREO 10:25 (TAG)
Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa’t isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw.

I CORINTO 5:9-13 (TAG)
9. Isinulat ko sa inyo sa aking sulat na huwag kayong makisama sa mga mapakiapid;
10. Tunay nga hindi ang ibig sabihin ay sa mga mapakiapid sa sanglibutang ito, o sa mga masasakim at mga manglulupig, o sa mga mananamba sa diosdiosan; sapagka’t kung gayo’y kinakailangang magsialis kayo sa sanglibutan:
11. Datapuwa’t sinusulatan ko nga kayo, na huwag kayong makisama sa kanino mang tinatawag na kapatid, kung siya’y mapakiapid, o masakim, o mananamba sa diosdiosan, o mapagtungayaw, o manglalasing, o manglulupig; sa gayo’y huwag man lamang kayong makisalo.
12. Sapagka’t ano sa akin ang humatol sa nangasa labas? Hindi baga kayo nagsisihatol sa nangasa loob?
13. Datapuwa’t sa nangasa labas ay Dios ang humahatol. Alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao.