Sunday Gathering

Kung Bakit Sinabi Ng Dios Ikaw Ay Aking Ipinanganak Ngayon ASB

Pas. Mayroon na bang relasyong sinasabi ang biblia mula pa nang una sa pagitan ng Dios at Cristo?

GENESIS 1:26 (TAG)
At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa’t umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa.

COLOSAS 1:15 (TAG)
Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang;

KAWIKAAN 30:4 (TAG)
Sino ang sumampa sa langit, at bumaba? Sino ang pumisan ng hangin sa kaniyang mga dakot? Sinong nagtali ng tubig sa kaniyang kasuutan? Sinong nagtatag ng lahat ng mga wakas ng lupa? Ano ang kaniyang pangalan, at ano ang pangalan ng kaniyang anak kung iyong nalalaman?

JOB 38:4-7 (TAG)
4. Saan ka nandoon nang ilagay ko ang mga patibayan ng lupa? Ipahayag mo, kung mayroon kang unawa.
5. Sinong naglagay ng mga sukat niyaon, kung iyong nalalaman? O sinong nagunat ng panukat diyan?
6. Sa ano nalagay ang kaniyang mga patibayan? O sinong naglagay ng batong panulok niyaon;
7. Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin pang-umaga. At ang lahat ng mga anak ng Dios ay naghihiyawan sa kagalakan?

JUAN 17:5,24 (TAG)
5. At ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo bago ang sanglibutan ay naging gayon.
24. Ama, yaong mga ibinigay mo sa akin ay ibig ko kung saan ako naroroon, sila naman ay dumoong kasama ko, upang makita nila ang kaluwalhatian ko, na ibinigay mo sa akin: sapagka’t ako’y iyong inibig bago natatag ang sanglibutan.

I. Bakit tinatawag si Cristo noong nangangaral pa lang siya na Anak ng Dios?

MATEO 4:3 (TAG)
At ang manunukso ay dumating at nagsabi sa kaniya, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay ipagutos mo na ang mga batong ito ay maging mga tinapay.

MATEO 8:28-29 (TAG)
28. At nang siya’y makarating sa kabilang ibayo sa lupain ng mga Gadareno, ay sinalubong siya ng dalawang inaalihan ng mga demonio na nagsisilabas sa mga libingan, na totoong mababangis, na ano pa’t sinoma’y walang makapagdaan sa daang yaon.
29. At narito, sila’y nagsisigaw, na nangagsasabi, Anong aming ipakikialam sa iyo, ikaw na Anak ng Dios? naparito ka baga upang kami’y iyong pahirapan bago dumating ang kapanahunan?

JUAN 1:32-34 (TAG)
32. At nagpatotoo si Juan, na nagsasabi, Nakita ko ang Espiritu na bumababang tulad sa isang kalapati na buhat sa langit; at dumapo sa kaniya.
33. At siya’y hindi ko nakilala; datapuwa’t ang nagsugo sa akin upang bumautismo sa tubig, ay siyang nagsabi sa akin, Ang makita mong babaan ng Espiritu, at manahan sa kaniya, ay siya nga ang bumabautismo sa Espiritu Santo.
34. At aking nakita, at pinatotohanan kong ito ang Anak ng Dios.

MATEO 16:16-17 (TAG)
16. At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay.
17. At sumagot si Jesus at sa kaniya’y sinabi, Mapalad ka, Simon Bar-Jonas: sapagka’t hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at ng dugo, kundi ng aking Ama na nasa langit.

JUAN 1:49 (TAG)
Sumagot si Natanael sa kaniya, Rabi, ikaw ang Anak ng Dios; ikaw ang Hari ng Israel.

AWIT 89:3,26-27 (TAG)
3. Ako’y nakipagtipan sa aking hirang, aking isinumpa kay David na aking lingkod;
26. Siya’y dadaing sa akin, Ikaw ay Ama ko, Dios ko, at malaking bato ng aking kaligtasan.
27. Akin namang gagawin siyang panganay ko, na pinakamataas sa mga hari sa lupa.

II SAMUEL 7:12-14 (TAG)
12. Pagka ang iyong mga araw ay naganap, at ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga magulang, aking ibabangon ang iyong binhi pagkatapos mo, na magmumula sa iyong tiyan, at aking itatatag ang kaniyang kaharian.
13. Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, at aking itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian magpakailan man.
14. Ako’y magiging kaniyang ama, at siya’y magiging aking anak: kung siya’y gumawa ng kasamaan, aking sasawayin siya ng pamalo ng mga tao, at ng panghampas ng mga anak ng mga tao;

AWIT 2:7 (TAG)
Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay aking anak; sa araw na ito ay ipinanganak kita.

I. Bakit sinabi .... PAKSA?

GAWA 13:32-33 (TAG)
32. At dinadalhan namin kayo ng mabubuting balita ng pangakong ipinangako sa mga magulang,
33. Na tinupad din ng Dios sa ating mga anak nang muling buhayin niya si Jesus; gaya naman ng nasusulat sa ikalawang awit, Ikaw ay aking Anak, sa araw na ito ay naging anak kita.

ROMA 1:3-4 (TAG)
3. Tungkol sa kaniyang Anak, na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman,
4. Na ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, sa makatuwid baga’y si Jesucristo na Panginoon natin,

HEBREO 1:5 (TAG)
Sapagka’t kanino nga sa mga anghel sinabi niya kailan man, Ikaw ay aking Anak, Ikaw ay aking ipinanganak ngayon? at muli, Ako’y magiging kaniyang Ama, At siya’y magiging aking Anak?

ROMA 8:28-29 (TAG)
28. At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga’y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa.
29. Sapagka’t yaong mga nang una pa’y kaniyang nakilala, ay itinalaga naman niya na maging katulad ng larawan ng kaniyang Anak, upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid:

II CORINTO 6:18 (TAG)
At ako sa inyo’y magiging ama, At sa akin kayo’y magiging mga anak na lalake at babae, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.