I HARI 14:19 (TAG)
At ang iba sa mga gawa ni Jeroboam kung paanong siya’y nakidigma, at kung paanong siya’y naghari, narito, nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel.
I HARI 22:45 (TAG)
Ang iba nga sa mga gawa ni Josaphat, at ang kaniyang kapangyarihan na kaniyang ipinakita, at kung paanong siya’y nakidigma, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?
ESTHER 10:2 (TAG)
At lahat ng mga gawa ng kaniyang kapangyarihan at ng kaniyang kakayahan, at ang lubos na kasaysayan ng kadakilaan ni Mardocheo, na ipinagtaas sa kaniya ng hari, hindi ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Media at Persia?
MALAKIAS 3:16 (TAG)
Nang magkagayo’y silang nangatatakot sa Panginoon ay nagsangusapan: at pinakinggan ng Panginoon, at dininig, at isang aklat ng alaala ay nasulat sa harap niya, para sa kanila na nangatakot sa Panginoon, at gumunita ng kaniyang pangalan.
MALAKIAS 3:7-9,13-14 (TAG)
7. Mula nang mga kaarawan ng inyong mga magulang kayo’y nangagpakaligaw sa aking mga tuntunin, at hindi ninyo tinalima. Manumbalik kayo sa akin, at ako’y manunumbalik sa inyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Nguni’t inyong sinasabi, Sa ano kami manunumbalik?
8. Nanakawan baga ng tao ang Dios? gayon ma’y ninanakaw ninyo ako. Nguni’t inyong sinasabi, Sa ano ka namin ninakawan? Sa mga ikasangpung bahagi at sa mga handog.
9. Kayo’y nangagsumpa ng sumpa sapagka’t inyo akong ninakawan, sa makatuwid baga’y nitong buong bansa.
13. Ang inyong mga salita ay naging lapastangan laban sa akin, sabi ng Panginoon. Gayon ma’y inyong sinasabi, Sa ano kami nangagsalita ng laban sa iyo?
14. Inyong sinabi, Walang kabuluhan ang maglingkod sa Dios; at anong kapakinabangan nito na ating iningatan ang kanyang bilin, at tayo’y nagsilakad na may pananangis sa harap ng Panginoon ng mga hukbo?
HEBREO 6:10 (TAG)
Sapagka’t ang Dios ay hindi liko upang limutin ang inyong gawa at ang pagibig na inyong ipinakita sa kaniyang pangalan, sa inyong paglilingkod sa mga banal, at hanggang ngayo’y nagsisipaglingkod kayo.
LUCAS 10:20 (TAG)
Gayon ma’y huwag ninyong ikagalak ito, na ang mga espiritu ay nagsisisuko sa inyo; kundi inyong ikagalak na nangasusulat ang inyong mga pangalan sa langit.
II CORINTO 5:10 (TAG)
Sapagka’t tayong lahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng hukuman ni Cristo; upang tumanggap ang bawa’t isa ng mga bagay na ginawa sa pamamagitan ng katawan, ayon sa ginawa niya, maging mabuti o masama.
APOCALIPSIS 20:12 (TAG)
At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa.
II PEDRO 3:16-17 (TAG)
16. Gayon din naman sa lahat ng kaniyang mga sulat, na doo’y sinasalita ang mga bagay na ito; na doo’y may ilang bagay na mahirap unawain, na isinisinsay ng mga di nakaaalam at ng mga walang tiyaga, na gaya rin naman ng kanilang ginagawa sa ibang mga kasulatan, sa ikapapahamak din nila.
17. Kaya nga, mga minamahal, yamang nalalaman na ninyo nang una ang mga bagay na ito, ay magsipagingat kayo, baka kung mangaligaw kayo sa pamamagitan ng kamalian ng masasama, ay mangahulog kayo sa inyong sariling katiyagaan.
GAWA 10:34-35 (TAG)
34. At binuka ni Pedro ang kaniyang bibig, at sinabi, Tunay ngang natatalastas ko na hindi nagtatangi ang Dios ng mga tao:
35. Kundi sa bawa’t bansa siya na may takot sa kaniya, at gumagawa ng katuwiran, ay kalugodlugod sa kaniya.
APOCALIPSIS 22:11-12 (TAG)
11. Ang liko, ay magpakaliko pa: at ang marumi, ay magpakarumi pa: at ang matuwid, ay magpakatuwid pa: at ang banal, ay magpakabanal pa.
12. Narito, ako’y madaling pumaparito; at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa’t isa ayon sa kaniyang gawa.
DANIEL 12:9-10 (TAG)
9. At sinabi niya, Yumaon ka ng iyong lakad, Daniel; sapagka’t ang mga salita ay nasarhan at natatakan hanggang sa panahon ng kawakasan.
10. Marami ang magpapakalinis, at magpapakaputi, at magpapakadalisay; nguni’t ang masasama ay gagawa na may kasamaan; at wala sa masasama na makakaunawa; nguni’t silang pantas ay mangakakaunawa.