Lingkod nyo kami pero hindi nyo kami alipin -Br. Eli
LUCAS 17:7-10 (TAG)
7. Datapuwa’t sino sa inyo, ang may isang aliping nagaararo o nagaalaga ng mga tupa, na pagbabalik niyang galing sa bukid ay magsasabi sa kaniya, Parito ka agad at maupo ka sa dulang ng pagkain;
8. At hindi sasabihin sa kaniya, Ipaghanda mo ako ng mahahapunan, at magbigkis ka, at paglingkuran mo ako, hanggang sa ako’y makakain at makainom; at saka ka kumain at uminom?
9. Nagpapasalamat baga siya sa alipin sapagka’t ginawa ang iniutos sa kaniya?
10. Gayon din naman kayo, pagka nangagawa na ninyo ang lahat ng mga bagay na sa inyo’y iniutos, inyong sabihin, Mga aliping walang kabuluhan kami; ginawa namin ang katungkulan naming gawin.
APOCALIPSIS 22:8-9 (TAG)
8. At akong si Juan, ako ang nakarinig at nakakita ng mga bagay na ito. At nang aking marinig at makita, ay nagpatirapa ako upang sumamba sa harapan ng anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito.
9. At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako’y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta, at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat na ito: sumamba ka sa Dios.
HEBREO 1:14 (TAG)
Hindi baga silang lahat ay mga espiritung tagapaglingkod, na mga sinugo upang magsipaglingkod sa kapakinabangan ng mangagmamana ng kaligtasan?
JUAN 15:15 (TAG)
Hindi ko na kayo tatawaging mga alipin; sapagka’t hindi nalalaman ng alipin kung ano ang ginagawa ng kaniyang panginoon: nguni’t tinatawag ko kayong mga kaibigan; sapagka’t ang lahat ng mga bagay na narinig ko sa aking Ama ay mga ipinakilala ko sa inyo.
I TIMOTEO 3:8 (TAG)
Gayon din naman ang mga diakono dapat ay mahuhusay, hindi dalawang dila, hindi mahilig sa maraming alak, hindi mga sakim sa mahahalay na kapakinabangan;
ROMA 15:8 (TAG)
Sapagka’t sinasabi ko na si Cristo ay ginawang ministro ng pagtutuli dahil sa katotohanan ng Dios, upang kaniyang mapagtibay ang mga pangakong ibinigay sa mga magulang,
I CORINTO 3:5 (TAG)
Ano nga si Apolos? at Ano si Pablo? Mga ministro na sa pamamagitan nila ay nagsisampalataya kayo; at sa bawa’t isa ayon sa ipinagkaloob ng Panginoon sa kaniya.
COLOSAS 1:7 (TAG)
Ayon sa inyong natutuhan kay Epafras na aming minamahal na kasamang lingkod, na isang tapat na ministro ni Cristo, sa ganang atin;
MATEO 20:26-27 (TAG)
26. Sa inyo’y hindi magkakagayon: kundi ang sinomang magibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo;
27. At sinomang magibig na maging una sa inyo ay magiging alipin ninyo:
LUCAS 22:27 (TAG)
Sapagka’t alin ang lalong dakila, ang nakaupo baga sa dulang, o ang naglilingkod? hindi baga ang nakaupo sa dulang? datapuwa’t ako’y nasa gitna ninyo na gaya niyaong naglilingkod.
FILIPOS 2:6-8 (TAG)
6. Na siya, bagama’t nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,
7. Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao:
8. At palibhasa’y nasumpungan sa anyong tao, siya’y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.
JUAN 13:14-17 (TAG)
14. Kung ako nga, na Panginoon at Guro, ay naghugas ng inyong mga paa, kayo naman ay nararapat ding mangaghugasan ng mga paa ng isa’t isa.
15. Sapagka’t kayo’y binigyan ko ng halimbawa, upang gawin naman ninyo ayon sa ginawa ko sa inyo.
16. Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon; ni ang sinugo man ay dakila kay sa nagsugo sa kaniya.
17. Kung nalalaman ninyo ang mga bagay na ito, kayo ay mapapalad kung inyong mga gawin.
II CORINTO 4:5 (TAG)
Sapagka’t hindi namin ipinangangaral ang aming sarili, kundi si Cristo Jesus na Panginoon, at kami ay gaya ng inyong mga alipin dahil kay Cristo.
II CORINTO 11:7-8 (TAG)
7. Ako nga baga’y nagkasala sa pagpapakababa ko sa aking sarili, upang kayo’y mangataas dahil sa ipinangaral ko sa inyo na walang bayad ang evangelio ng Dios?
8. Aking sinamsaman ang ibang mga iglesia, sa pagtanggap ko ng upa sa kanila, upang ipangasiwa ko sa inyo;