APOCALIPSIS 12:9 (TAG)
At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya’y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.
JUAN 8:44 (TAG)
Kayo’y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka’t walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka’t siya’y isang sinungaling, at ama nito.
I PEDRO 5:8-9 (TAG)
8. Kayo’y maging mapagpigil, kayo’y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya:
9. Na siya’y labanan ninyong matatag sa inyong pananampalataya, yamang inyong nalalaman na ang mga gayong hirap ay nagaganap sa inyong mga kapatid na nangasa sanglibutan.
MARCOS 4:14-15 (TAG)
14. Ang manghahasik ay naghahasik ng salita.
15. At ang mga ito’y yaong nangasa tabi ng daan, na doon nahahasik ang salita; at nang kanilang mapakinggan, pagdaka’y pinaroroonan ni Satanas, at inaalis ang salita na inihasik sa kanila.
LUCAS 13:16 (TAG)
At ang babaing itong anak ni Abraham, na tinalian ni Satanas, narito, sa loob ng labingwalong taon, hindi baga dapat kalagan ng taling ito sa araw ng sabbath?
II CORINTO 11:14 (TAG)
At hindi katakataka: sapagka’t si Satanas man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan.
APOCALIPSIS 2:18-25 (TAG)
18. At sa anghel ng iglesia sa Tiatira ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Anak ng Dios, na may mga matang gaya ng ningas ng apoy, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng tansong binuli:
19. Nalalaman ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pagibig, at pananampalataya at ministerio at pagtitiis, at ang iyong mga huling gawa ay higit kay sa mga una.
20. Datapuwa’t mayroon akong laban sa iyo, na pinahintulutan mo ang babaing si Jezebel, na nagpapanggap na propetisa; at siya’y nagtuturo at humihikayat sa aking mga lingkod upang makiapid, at kumain ng mga bagay na inihahain sa mga diosdiosan.
21. At binigyan ko siya ng panahon upang makapagsisi; at siya’y ayaw magsisi sa kaniyang pakikiapid.
22. Narito, akin siyang iniraratay sa higaan, at ang mga nakikiapid sa kaniya sa malaking kapighatian, maliban na kung sila’y magsisipagsisi sa kaniyang mga gawa.
23. At papatayin ko ng salot ang kaniyang mga anak; at malalaman ng lahat ng mga iglesia na ako’y yaong sumasaliksik ng mga pagiisip at ng mga puso: at bibigyan ko ang bawa’t isa sa inyo ng ayon sa inyong mga gawa.
24. Datapuwa’t sinasabi ko sa inyo, sa mga iba na nasa Tiatira, sa lahat ng walang aral na ito, na hindi nakakaalam ng malalalim na bagay ni Satanas, gaya ng sinasabi nila; hindi na ako magpapasan sa inyo ng ibang pasan.
25. Gayon ma’y ang nasa inyo’y panghawakan ninyong matibay hanggang sa ako’y pumariyan.
MATEO 16:21-23 (TAG)
21. Mula ng panahong yao’y nagpasimulang ipinakilala ni Jesus sa kaniyang mga alagad, na kinakailangang siya’y pumaroon sa Jerusalem, at magbata ng maraming bagay sa matatanda at sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba, at siya’y patayin, at muling ibangon sa ikatlong araw.
22. At isinama siya ni Pedro, at nagpasimulang siya’y pinagwikaan, na nagsasabi, Panginoon, malayo ito sa iyo: kailan man ay hindi mangyayari ito sa iyo.
23. Datapuwa’t lumingon siya, at sinabi kay Pedro, Lumagay ka sa likuran ko, Satanas: ikaw ay tisod sa akin: sapagka’t hindi mo pinagiisip ang mga bagay ng Dios, kundi ang mga bagay ng tao.
II CORINTO 2:11 (TAG)
Upang huwag kaming malamangan ni Satanas: sapagka’t kami ay hindi hangal sa kaniyang mga lalang.