APOCALIPSIS 18:24 (TAG)
At nasumpungan sa kaniya ang dugo ng mga propeta, at ng mga banal, at ng lahat ng mga pinatay sa lupa.
LUCAS 11:50-51 (TAG)
50. Upang hingin sa lahing ito ang dugo ng lahat ng mga propeta, na ibinubo buhat nang itatag ang sanglibutan;
51. Mula sa dugo ni Abel, hanggang sa dugo ni Zacarias, na pinatay sa pagitan ng dambana at ng santuario: oo, sinasabi ko sa inyo, na ito’y hihingin sa lahing ito.
APOCALIPSIS 17:3-6 (TAG)
3. At ako’y kaniyang dinalang nasa Espiritu sa isang ilang: at nakita ko ang isang babae na nakasakay sa isang hayop na pula, na puno ng mga pangalang pamumusong, na may pitong ulo at sangpung sungay.
4. At nararamtan ang babae ng kulay-ube at ng pula, at nahihiyasan ng ginto at ng mga mahalagang bato at mga perlas, na sa kaniyang kamay ay may isang sarong ginto na puno ng mga kasuklamsuklam, at ng mga bagay na marurumi ng kaniyang pakikiapid,
5. At sa kaniyang noo ay nakasulat ang isang pangalan, HIWAGA, DAKILANG BABILONIA, INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KASUKLAMSUKLAM SA LUPA.
6. At nakita ko ang babae na lasing sa dugo ng mga banal, at sa dugo ng mga martir ni Jesus. At nang aking makita siya ay nanggilalas ako ng malaking panggigilalas.
APOCALIPSIS 17:18 (TAG)
At ang babae na iyong nakita ay ang dakilang bayan, na naghahari sa mga hari sa lupa.
APOCALIPSIS 18:20 (TAG)
Magalak ka tungkol sa kaniya, Oh langit, at kayong mga banal, at kayong mga apostol, at kayong mga propeta; sapagka’t inihatol ng Dios ang inyong hatol sa kaniya.
APOCALIPSIS 18:2,4 (TAG)
2. At siya’y sumigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa’t espiritung karumaldumal, at kulungan ng bawa’t karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon.
4. At narinig ko ang ibang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Mangagsilabas kayo sa kaniya, bayan ko, upang huwag kayong mangaramay sa kaniyang mga kasalanan, at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot:
APOCALIPSIS 11:3,7-8,10 (TAG)
3. At may ipagkakaloob ako sa aking dalawang saksi, at sila’y magsisipanghulang isang libo at dalawang daan at anim na pung araw, na nararamtan ng magagaspang na kayo.
7. At pagka natapos nila ang kanilang patotoo, ang hayop na umahon mula sa kalaliman ay babaka sa kanila, at pagtatagumpayan sila, at sila’y papatayin.
8. At ang kanilang mga bangkay ay nasa lansangan ng malaking bayan, na ayon sa espiritu ay tinatawag na Sodoma at Egipto, na doon din naman ipinako sa krus ang Panginoon nila.
10. At ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa ay mangagagalak tungkol sa kanila, at mangatutuwa; at sila’y mangagpapadalahan ng mga kaloob; sapagka’t ang dalawang propetang ito ay nagpahirap sa nangananahan sa ibabaw ng lupa.
DANIEL 7:2-7,23-25 (TAG)
2. Si Daniel ay nagsalita, at nagsabi, May nakita ako sa aking pangitain sa kinagabihan, at, narito, ang apat na hangin ng langit ay nagsisihihip sa malaking dagat.
3. At apat na malaking hayop na magkakaiba ay nagsiahon mula sa dagat,
4. Ang una’y gaya ng leon, at may mga pakpak ng aguila: aking minasdan hanggang sa ang mga pakpak niyao’y nahugot, at ito’y nataas mula sa lupa, at pinatayo sa dalawang paa na gaya ng isang tao; at puso ng tao ang nabigay sa kaniya.
5. At, narito, ang ibang hayop, na ikalawa, na gaya ng isang oso; at lumitaw sa isang tagiliran, at tatlong tadyang ang nasa kaniyang bibig sa pagitan ng kaniyang mga ngipin: at sinabi ng mga ito ang ganito sa kaniya, Bumangon ka, manakmal ka ng maraming laman.
6. Pagkatapos nito’y tumingin ako, at narito ang iba, gaya ng isang leopardo, na mayroon sa likod niyaon na apat na pakpak ng ibon; ang hayop ay mayroon din namang apat na ulo; at binigyan siya ng kapangyarihan.
7. Pagkatapos nito’y may nakita ako sa pangitain sa gabi, at, narito, ang ikaapat na hayop, kakilakilabot at makapangyarihan, at totoong malakas; at may malaking mga ngiping bakal; nananakmal at lumuluray, at niyuyurakan ng kaniyang mga paa ang nalabi: at kaiba sa lahat na hayop na una sa kaniya; at siya’y may sangpung sungay.
23. Ganito ang sabi niya, Ang ikaapat na hayop ay magiging ikaapat na kaharian sa ibabaw ng lupa, na magiging kaiba sa lahat ng kaharian, at sasakmalin ang buong lupa, at yuyurakan, at pagluluraylurayin.
24. At tungkol sa sangpung sungay, mula sa kahariang ito ay sangpung hari ang babangon: at ang isa’y babangong kasunod nila; at siya’y magiging kaiba kay sa mga una, at kaniyang ibabagsak ay tatlong hari.
25. At siya’y magbabadya ng mga salita laban sa Kataastaasan, at lilipulin niya ang mga banal ng Kataastaasan; at kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan; at sila’y mangabibigay sa kaniyang kamay hanggang sa isang panahon, at mga panahon at kalahati ng isang panahon.
APOCALIPSIS 18:24 (TAG)
At nasumpungan sa kaniya ang dugo ng mga propeta, at ng mga banal, at ng lahat ng mga pinatay sa lupa.
LUCAS 11:50-51 (TAG)
50. Upang hingin sa lahing ito ang dugo ng lahat ng mga propeta, na ibinubo buhat nang itatag ang sanglibutan;
51. Mula sa dugo ni Abel, hanggang sa dugo ni Zacarias, na pinatay sa pagitan ng dambana at ng santuario: oo, sinasabi ko sa inyo, na ito’y hihingin sa lahing ito.
MATEO 12:34,39 (TAG)
34. Kayong lahi ng mga ulupong, papaano kayo na masasama, ay makapagsasalita ng mabubuting bagay? sapagka’t sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang bibig.
39. Datapuwa’t siya’y sumagot, at sinabi sa kanila, Isang lahing masama at mapangalunya ay humahanap ng isang tanda; at hindi siya bibigyan ng anomang tanda kundi ng tanda ng propeta Jonas:
JUAN 8:44 (TAG)
Kayo’y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka’t walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka’t siya’y isang sinungaling, at ama nito.
MATEO 24:34 (TAG)
Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito.
APOCALIPSIS 20:7-10 (TAG)
7. At kung maganap na ang isang libong taon, si Satanas ay kakalagan sa kaniyang bilangguan,
8. At lalabas upang dumaya sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa, sa Gog at sa Magog, upang tipunin sila sa pagbabaka: na ang bilang nila ay gaya ng buhangin sa dagat.
9. At nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at kinubkob ang kampamento ng mga banal, at ang bayang iniibig: at bumaba ang apoy mula sa langit, at sila’y nasupok.
10. At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila’y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man.