Sunday Gathering

Ang Pagpapakilalang Ginawa Ng Cristo Kay YHWH Sa Panahon Ng Kanyang Pangangaral ASB

Pas. Bakit kinakailangan matiyak ang pagunawa sa mga salita ng kasulatan na ikaliligtas natin?

MATEO 22:29 (TAG)
Nguni’t sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Nangagkakamali kayo, sa hindi pagkaalam ng mga kasulatan, ni ng kapangyarihan man ng Dios.

II PEDRO 3:16 (TAG)
Gayon din naman sa lahat ng kaniyang mga sulat, na doo’y sinasalita ang mga bagay na ito; na doo’y may ilang bagay na mahirap unawain, na isinisinsay ng mga di nakaaalam at ng mga walang tiyaga, na gaya rin naman ng kanilang ginagawa sa ibang mga kasulatan, sa ikapapahamak din nila.

II PEDRO 2:1 (TAG)
Nguni’t may nagsilitaw din naman sa bayan na mga bulaang propeta, na gaya naman sa inyo’y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa lihim ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na itatatuwa pati ang Panginoon na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak.

I. Paano kinikilala ng Cristo si YHWH sa gitna ng mga Israelitang kanyang pinangangaralan?

LUCAS 4:16-19 (TAG)
16. At siya’y napasa Nazaret na kaniyang nilakhan: at ayon sa kaniyang kaugalian, siya’y pumasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagtindig upang bumasa.
17. At ibinigay sa kaniya ang aklat ng propeta Isaias. At binuklat niya ang aklat, na nasumpungan niya ang dakong kinasusulatan,
18. Sumasa akin ang Espiritu ng Panginoon, Sapagka’t ako’y pinahiran niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha: Ako’y sinugo niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, At sa mga bulag ang pagkakita, Upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi,
19. Upang itanyag ang kaayaayang taon ng Panginoon.

ISAIAS 61:1-2 (TAG)
1. Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa akin; sapagka’t pinahiran ako ng Panginoon upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga maamo; kaniyang sinugo ako upang magpagaling ng mga bagbag na puso, upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo;
2. Upang magtanyag ng kalugodlugod na taon ng Panginoon, at ng kaarawan ng panghihiganti ng ating Dios; upang aliwin yaong lahat na nagsisitangis;

MATEO 22:35-38 (TAG)
35. At isa sa kanila, na tagapagtanggol ng kautusan, ay tinanong siya ng isang tanong, upang siya’y tuksuhin:
36. Guro, alin baga ang dakilang utos sa kautusan?
37. At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo.
38. Ito ang dakila at pangunang utos.

DEUTERONOMIO 6:4-5 (TAG)
4. Dinggin mo, Oh Israel: ang Panginoon nating Dios ay isang Panginoon:
5. At iyong iibigin ang Panginoon mong Dios ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas.

MATEO 22:41-45 (TAG)
41. Habang nangagkakatipon nga ang mga Fariseo, ay tinanong sila ni Jesus ng isang tanong.
42. Na sinasabi, Ano ang akala ninyo tungkol kay Cristo? kanino bagang anak siya? Sinabi nila sa kaniya, kay David.
43. Sinabi niya sa kanila, Kung gayo’y bakit tinatawag siya ni David na Panginoon, sa espiritu, na nagsasabi,
44. Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, Maupo ka sa aking kanan, Hanggang sa ilagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalim ng iyong mga paa?
45. Kung tinatawag nga siya ni David na Panginoon, paanong siya’y kaniyang anak?

AWIT 110:1-2 (TAG)
1. Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.
2. Pararatingin ng Panginoon ang setro ng iyong kalakasan mula sa Sion: magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway.

II. Paano ang naging pagpapakilala .... PAKSA?

MATEO 23:9 (TAG)
At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa: sapagka’t iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga’y siya na nasa langit.

JUAN 17:6,26 (TAG)
6. Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga tao na ibinigay mo sa akin mula sa sanglibutan: sila’y iyo, at sila’y ibinigay mo sa akin; at tinupad nila ang iyong salita.
26. At ipinakilala ko sa kanila ang iyong pangalan, at ipakikilala ko; upang ang pagibig na sa akin ay iniibig mo ay mapasa kanila, at ako’y sa kanila.

MATEO 16:13-17 (TAG)
13. Nang dumating nga si Jesus sa mga sakop ng Cesarea ni Filipo, ay itinanong niya sa kaniyang mga alagad, na sinasabi, Ano baga ang sabi ng mga tao kung sino ang Anak ng tao?
14. At kanilang sinabi, Anang ilan, Si Juan Bautista; ang ilan, Si Elias; at ang mga iba, Si Jeremias, o isa sa mga propeta.
15. Kaniyang sinabi sa kanila, Datapuwa’t, ano ang sabi ninyo kung sino ako?
16. At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay.
17. At sumagot si Jesus at sa kaniya’y sinabi, Mapalad ka, Simon Bar-Jonas: sapagka’t hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at ng dugo, kundi ng aking Ama na nasa langit.

HEBREO 1:5 (TAG)
Sapagka’t kanino nga sa mga anghel sinabi niya kailan man, Ikaw ay aking Anak, Ikaw ay aking ipinanganak ngayon? at muli, Ako’y magiging kaniyang Ama, At siya’y magiging aking Anak?

AWIT 2:7 (TAG)
Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay aking anak; sa araw na ito ay ipinanganak kita.