Sunday Gathering

Ang Pakikibaka Sa Mga Kapangyarihan Sa Mga Dako Ng Kaitaasan ASB

Pas. Ano ang pahayag ng Dios na isasagawa niya ukol sa mga kapangyarihan?

AWIT 110:1 (TAG)
Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.

EFESO 1:20-22 (TAG)
20. Na kaniyang ginawa kay Cristo, nang ito’y kaniyang buhaying maguli sa mga patay, at pinaupo sa kaniyang kanan sa sangkalangitan,
21. Sa kaibaibabawan ng lahat na pamunuan, at kapamahalaan, at kapangyarihan, at pagkasakop, at sa bawa’t pangalan na ipinangungusap, hindi lamang sa sanglibutang ito, kundi naman sa darating:
22. At ang lahat ng mga bagay ay pinasuko niya sa ilalim ng kaniyang mga paa, at siyang pinagkaloobang maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia,

HEBREO 2:8-9 (TAG)
8. Inilagay mo ang lahat ng mga bagay sa pagsuko sa ilalim ng kaniyang mga paa. Sapagka’t nang pasukuin niya ang lahat ng mga bagay sa kaniya, ay wala siyang iniwan na di sumuko sa kaniya. Nguni’t ngayon ay hindi pa natin nakikitang sumuko sa kaniya ang lahat ng mga bagay.
9. Kundi nakikita natin ang ginawang mababa ng kaunti kay sa mga anghel, sa makatuwid ay si Jesus, na dahil sa pagbata ng kamatayan ay pinutungan ng kaluwalhatian at karangalan, upang sa pamamagitan ng biyaya ng Dios ay lasapin niya ang kamatayan dahil sa bawa’t tao.

EFESO 3:10-11 (TAG)
10. Upang ngayo’y sa pamamagitan ng iglesia, ay maipakikilala sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sa sangkalangitan ang kapuspusan ng karunungan ng Dios,
11. Ayon sa panukalang walang hanggan na ipinanukala kay Cristo Jesus na Panginoon natin:

MATEO 24:29 (TAG)
Datapuwa’t karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit:

LUCAS 21:26 (TAG)
Magsisipanglupaypay ang mga tao dahil sa takot, at dahil sa paghihintay ng mga bagay na darating sa ibabaw ng sanglibutan: sapagka’t mangangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit.

I. Ano ang .... PAKSA?

EFESO 6:11-12 (TAG)
11. Mangagbihis kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo’y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo.
12. Sapagka’t ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.

 

EFESO 2:2 (TAG)
Na inyong nilakaran noong una ayon sa lakad ng sanglibutang ito, ayon sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway;

APOCALIPSIS 5:11 (TAG)
At nakita ko, at narinig ko ang tinig ng maraming mga anghel sa palibot ng luklukan at ng mga nilalang na buhay at ng matatanda; at ang bilang nila ay sangpung libong tigsasangpung libo at libolibo;

HEBREO 12:22 (TAG)
Datapuwa’t nagsilapit kayo sa bundok ng Sion, at sa bayan ng Dios na buhay, ang Jerusalem sa kalangitan, at sa mga di mabilang na hukbo ng mga anghel,

II. Ano ang sandata sa pakikibaka na itinuturo ni Pablo para sa Cristiano laban sa lahat ng kapangyarihan ng kadiliman?