Prayer Meeting

Kung Bakit Iniutos Ng Cristo Na Huwag Ibigay Ang Anomang Banal Sa Aso O Ihagis Ang Perlas Sa Baboy ASB

Note:
– mga banal sa templo
– kaharian ng langit tulad sa perlas Mat 13:45-46
– ninanasang maunawa katotohanang ikaliligtas

Pas. Paano itinuturing ng mga lingkod ang pagkaunawa sa katotohanang ikaliligtas?

I PEDRO 1:10-12 (TAG)
10. Tungkol sa pagkaligtas na ito ay nagsikap at nagsiyasat na maigi ang mga propeta, na nangagsihula tungkol sa biyayang dadating sa inyo:
11. Na sinisiyasat ang kahulugan kung ano at kailang panahon itinuro ng Espiritu ni Cristo na sumasa kanila, nang patotohanan nang una ang mga pagbabata ni Cristo, at ang mga kaluwalhatiang hahalili sa mga ito.
12. Na ipinahayag sa kanila, na hindi sa ganang kanilang sarili, kundi sa ganang inyo, pinangasiwaan nila ang mga bagay na ito, na ngayo’y ibinalita sa inyo sa pamamagitan ng mga nagsipangaral sa inyo ng evangelio sa pamamagitan ng Espiritu Santo na sinugo mula sa langit; na ang mga bagay na ito’y ninanasang mamasdan ng mga anghel.

JUAN 5:39 (TAG)
Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin.

II TIMOTEO 3:16 (TAG)
Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran:

KAWIKAAN 2:3-5 (TAG)
3. Oo, kung ikaw ay dadaing ng pagbubulay, at itataas mo ang iyong tinig sa pagunawa;
4. Kung iyong hahanapin siya na parang pilak, at sasaliksikin mo siyang parang kayamanang natatago.

I. Bakit iniutos ng Cristo .... PAKSA?

MATEO 7:6 (TAG)
Huwag ninyong ibigay sa mga aso ang anomang banal, ni ihagis man ang inyong mga perlas sa harap ng mga baboy, baka yurakan ng kanilang mga paa, at mangagbalik at kayo’y lapain.

KAWIKAAN 4:7,13 (TAG)
7. Karunungan ay pinaka pangulong bagay; kaya’t kunin mo ang karunungan: Oo, sa lahat mong kukunin ay kunin mo ang unawa.
13. Hawakan mong mahigpit ang turo; huwag mong bitawan: iyong ingatan; sapagka’t siya’y iyong buhay.

GAWA 28:23-26 (TAG)
23. At nang mataningan na nila siya ng isang araw, ay nagsiparoon ang lubhang marami sa kaniyang tinutuluyan; at sa kanila’y kaniyang ipinaliwanag ang bagay, na sinasaksihan ang kaharian ng Dios, at sila’y hinihikayat tungkol kay Jesus, sa pamamagitan ng kautusan ni Moises at gayon din sa pamamagitan ng mga propeta, buhat sa umaga hanggang sa gabi.
24. At ang mga iba’y nagsipaniwala sa mga bagay na sinabi, at ang mga iba’y hindi nagsipaniwala.
25. At nang sila’y hindi mangagkaisa, ay nangagsialis pagkasabi ni Pablo ng isang salita, Mabuti ang pagkasalita ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng propeta Isaias sa inyong mga magulang,
26. Na sinasabi, Pumaroon ka sa bayang ito, at sabihin mo, Sa pakikinig ay inyong mapapakinggan, at sa anomang paraa’y hindi ninyo mapaguunawa; At sa pagtingin ay inyong makikita, at sa anomang paraa’y hindi ninyo mamamalas:

GALACIA 1:6,8 (TAG)
6. Ako’y namamangha na kay dali ninyong nagsilipat sa ibang evangelio buhat sa tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo;
8. Datapuwa’t kahima’t kami, o isang anghel na mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba sa aming ipinangangaral sa inyo, ay matakuwil.