HEBREO 6:1-2 (TAG)
1. Kaya’t tayo’y tumigil na ng pagsasalita ng mga unang simulain ng aral ni Cristo, at tayo’y mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na muli ang kinasasaligan ng pagsisisi sa mga patay na gawa, at ng pananampalataya sa Dios,
2. Ng aral na tungkol sa mga paglilinis, at ng pagpapatong ng mga kamay, at ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, at ng paghuhukom na walang hanggan.
ROMA 9:32 (TAG)
Bakit? Sapagka’t hindi nila hinanap sa pamamagitan ng pananampalataya, kundi ng ayon sa mga gawa. Sila’y nangatisod sa batong katitisuran;
II CRONICA 20:20 (TAG)
At sila’y nagsibangong maaga sa kinaumagahan, at nagsilabas sa ilang ng Tecoa: at habang sila’y nagsisilabas, si Josaphat ay tumayo, at nagsabi, Dinggin ninyo ako, Oh Juda, at ninyong mga taga Jerusalem; sumampalataya kayo sa Panginoon ninyong Dios, sa gayo’y matatatag kayo; sumampalataya kayo sa kaniyang mga propeta, sa gayo’y giginhawa kayo.
MATEO 28:19 (TAG)
Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:
GAWA 19:5-6 (TAG)
5. At nang kanilang marinig ito, ay nangapabautismo sila sa pangalan ng Panginoong Jesus.
6. At nang maipatong na ni Pablo sa kanila ang kaniyang mga kamay, ay bumaba sa kanila ang Espiritu Santo; at sila’y nagsipagsalita ng mga wika, at nagsipanghula.
LUCAS 20:27,33-36 (TAG)
27. At may lumapit sa kaniyang ilan sa mga Saduceo, na nagsisipagsabi na walang pagkabuhay na maguli;
33. Sa pagkabuhay na maguli nga, kanino sa kanila magiging asawa kaya ang babaing yaon? sapagka’t siya’y naging asawa ng pito.
34. At sinabi sa kanila ni Jesus, Nagsisipagasawa ang mga anak ng sanglibutang ito, at pinapagaasawa:
35. Datapuwa’t ang mga inaaring karapatdapat magkamit ng sanlibutang yaon, at ng pagkabuhay na maguli sa mga patay, ay hindi mangagaasawa, ni papagaasawahin:
36. Sapagka’t hindi na sila maaaring mangamatay pa: sapagka’t kahalintulad na sila ng mga anghel; at sila’y mga anak ng Dios, palibhasa’y mga anak ng pagkabuhay na maguli.
LUCAS 22:28-30 (TAG)
28. Datapuwa’t kayo ay yaong nagsipanatili sa akin sa mga pagtukso sa akin;
29. At kayo’y inihahalal kong isang kaharian, na gaya nga ng pagkahalal sa akin ng aking Ama,
30. Upang kayo’y magsikain at magsiinom sa aking dulang sa kaharian ko; at kayo’y magsisiupo sa mga luklukan, na inyong huhukuman ang labingdalawang angkan ni Israel.
HEBREO 6:1-2 (TAG)
1. Kaya’t tayo’y tumigil na ng pagsasalita ng mga unang simulain ng aral ni Cristo, at tayo’y mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na muli ang kinasasaligan ng pagsisisi sa mga patay na gawa, at ng pananampalataya sa Dios,
2. Ng aral na tungkol sa mga paglilinis, at ng pagpapatong ng mga kamay, at ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, at ng paghuhukom na walang hanggan.
HEBREO 5:12-14 (TAG)
12. Sapagka’t nang kayo’y nangararapat nang maging mga guro dahil sa kaluwatan, ay muling kayo’y nangangailangan na kayo’y turuan ninoman ng mga unang simulain ng aral ng Dios; at naging tulad sa mga nangangailangan ng gatas, at hindi ng pagkaing matigas.
13. Sapagka’t bawa’t tumatanggap ng gatas ay walang karanasan sa salita ng katuwiran; sapagka’t siya’y isang sanggol.
14. Nguni’t ang pagkaing matigas ay sa mga may gulang, sa makatuwid ay doon sa mga sa pamamagitan ng pamimihasa ay nangasanay ang kanilang mga pakiramdam, upang makilala ang mabuti at ang masama.
HEBREO 6:4-6 (TAG)
4. Sapagka’t tungkol sa mga minsang naliwanagan at nakalasap ng kaloob ng kalangitan, at mga nakabahagi ng Espiritu Santo,
5. At nakalasap ng mabuting salita ng Dios, at ng mga kapangyarihan ng panahong darating,
6. At saka nahiwalay sa Dios ay di maaaring baguhin silang muli sa pagsisisi; yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios, at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan.
HEBREO 10:26-27 (TAG)
26. Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan,
27. Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway.