Sunday Gathering

Kung Bakit Iniutuos Sa Mga Lingkod Mula Pa Nang Una Ang Pag-ilag Sa Mga Hain Sa Dios-diosan ASB

Pas. Ano ang naging deklarasyon ng Panginoong Jesus tungkol sa pagkain?

MARCOS 7:14-19 (TAG)
14. At muling pinalapit niya sa kaniya ang karamihan, at sinabi sa kanila, Pakinggan ninyong lahat ako, at inyong unawain:
15. Walang anomang nasa labas ng katawan ng tao, na pagpasok sa kaniya ay makakahawa sa kaniya; datapuwa’t ang mga bagay na nagsisilabas sa tao yaon ang nangakakahawa sa tao.
16. Kung ang sinoman ay may pakinig na ipakikinig ay makinig.
17. At nang pumasok siya sa bahay na mula sa karamihan, ay itinanong sa kaniya ng kaniyang mga alagad ang talinghaga.
18. At sinabi niya sa kanila, Kayo baga naman ay wala ring pagiisip? Hindi pa baga ninyo nalalaman, na anomang nasa labas na pumapasok sa tao, ay hindi nakakahawa sa kaniya;
19. Sapagka’t hindi pumapasok sa kaniyang puso, kundi sa kaniyang tiyan, at lumalabas sa dakong daanan ng dumi? Sa salitang ito’y nililinis niya ang lahat ng pagkain.

GAWA 10:10-16 (TAG)
10. At siya’y nagutom at nagnais kumain: datapuwa’t samantalang nangaghahanda sila, ay nawalan siya ng diwa;
11. At nakita niyang bukas ang langit, at may isang sisidlang bumababa, gaya ng isang malapad na kumot, na nakabitin sa apat na panulok na bumababa sa lupa:
12. Na doo’y naroroon ang lahat ng uri ng mga hayop na may apat na paa at ang mga nagsisigapang sa lupa at ang mga ibon sa langit.
13. At dumating sa kaniya ang isang tinig, Magtindig ka, Pedro; magpatay ka at kumain.
14. Datapuwa’t sinabi ni Pedro, Hindi maaari, Panginoon; sapagka’t kailan ma’y hindi ako kumain ng anomang bagay na marumi at karumaldumal.
15. At muling dumating sa kaniya ang tinig sa ikalawa, Ang nilinis ng Dios, ay huwag mong ipalagay na marumi.
16. At ito’y nangyaring makaitlo: at pagdaka’y binatak sa langit ang sisidlan.

MARCOS 7:18-23 (TAG)
18. At sinabi niya sa kanila, Kayo baga naman ay wala ring pagiisip? Hindi pa baga ninyo nalalaman, na anomang nasa labas na pumapasok sa tao, ay hindi nakakahawa sa kaniya;
19. Sapagka’t hindi pumapasok sa kaniyang puso, kundi sa kaniyang tiyan, at lumalabas sa dakong daanan ng dumi? Sa salitang ito’y nililinis niya ang lahat ng pagkain.
20. At sinabi niya, Ang lumalabas sa tao, yaon ang nakakahawa sa tao.
21. Sapagka’t mula sa loob, mula sa puso ng mga tao, lumalabas ang masasamang pagiisip, ang mga pakikiapid, ang mga pagnanakaw, ang mga pagpatay sa kapuwa-tao, ang mga pangangalunya,
22. Ang mga kasakiman, ang mga kasamaan, ang pagdaraya, ang kalibugan, ang matang masama, ang kapusungan, ang kapalaluan, ang kamangmangan:
23. Ang lahat ng masasamang bagay na ito ay sa loob nagsisipanggaling, at nangakakahawa sa tao.

GAWA 15:28-29 (TAG)
28. Sapagka’t minagaling ng Espiritu Santo, at namin, na huwag kayong atangan ng lalong mabigat na pasanin maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan:
29. Na kayo’y magsiilag sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo, at sa mga binigti, at sa pakikiapid; kung kayo’y mangilag sa mga bagay na ito, ay ikabubuti ninyo. Paalam na sa inyo.

II. Bakit iniutos ang pag-ilag .... PAKSA?

I CORINTO 10:18 (TAG)
Tingnan ninyo ang Israel na ayon sa laman: ang mga nagsisikain baga ng mga hain ay wala kayang pakikipagkaisa sa dambana?

LEVITICO 7:15-17 (TAG)
15. At ang laman ng hain na kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan na pinaka pasalamat ay kakanin sa kaarawan ng kaniyang pagaalay; siya’y hindi magtitira niyaon ng hanggang sa umaga.
16. Nguni’t kung ang hain ng kaniyang alay ay sa pagtupad ng isang panata, o kusang handog, ay kaniyang makakain sa araw na kaniyang ihandog ang kaniyang hain: at sa kinaumagahan man ay kaniyang makakain ang labis:
17. Datapuwa’t ang lumabis sa laman ng hain hanggang sa ikatlong araw ay susunugin sa apoy.

I CORINTO 10:16-17 (TAG)
16. Ang saro ng pagpapala na ating pinagpapala, hindi baga siyang pakikipagkaisa ng dugo ni Cristo? Ang tinapay na ating pinagpuputolputol, hindi baga siyang pakikipagkaisa ng katawan ni Cristo?
17. Bagaman tayo’y marami, ay iisa lamang tinapay, iisang katawan: sapagka’t tayong lahat ay nakikibahagi sa isa lamang tinapay.

I CORINTO 10:19-22 (TAG)
19. Ano ang aking sinasabi? na ang hain baga sa mga diosdiosan ay may kabuluhan? o ang diosdiosan ay may kabuluhan?
20. Subali’t sinasabi ko, na ang mga bagay na inihahain ng mga Gentil, ay kanilang inihahain sa mga demonio, at hindi sa Dios: at di ko ibig na kayo’y mangagkaroon ng pakikipagkaisa sa mga demonio.
21. Hindi ninyo maiinuman ang saro ng Panginoon, at ang saro ng mga demonio: kayo’y hindi maaaring makisalo sa dulang ng Panginoon, at sa dulang ng mga demonio.
22. O minumungkahi baga natin sa paninibugho ang Panginoon? tayo baga’y lalong malakas kay sa kaniya?

II CORINTO 6:14-18 (TAG)
14. Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya: sapagka’t anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? o anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman?
15. At anong pakikipagkasundo mayroon si Cristo kay Belial? o anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di sumasampalataya?
16. At anong pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Dios sa mga diosdiosan? sapagka’t tayo’y templo ng Dios na buhay; gaya ng sabi ng Dios, Mananahan ako sa kanila, at lalakad ako sa kanila; at ako’y magiging kanilang Dios, at sila’y magiging aking bayan.
17. Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon, At huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi, At kayo’y aking tatanggapin,
18. At ako sa inyo’y magiging ama, At sa akin kayo’y magiging mga anak na lalake at babae, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.