JUDAS 1:9 (TAG)
Datapuwa’t ang arkanghel Miguel, nang makipaglaban sa diablo, na nakikipagtalo tungkol sa katawan ni Moises, ay hindi nangahas gumamit laban sa kaniya ng isang hatol na may pagalipusta, kundi sinabi, Sawayin ka nawa ng Panginoon.
DEUTERONOMIO 34:4-8 (TAG)
4. At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Ito ang lupain na aking isinumpa kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na sinasabi, Aking ibibigay sa iyong binhi: aking pinatingnan sa iyo ng iyong mga mata, nguni’t hindi ka daraan doon.
5. Sa gayo’y si Moises na lingkod ng Panginoon ay namatay roon sa lupain ng Moab ayon sa salita ng Panginoon.
6. At kaniyang inilibing siya sa libis sa lupain ng Moab na nasa tapat ng Beth-peor; nguni’t sinomang tao ay hindi nakaaalam ng libingan niya hanggang sa araw na ito.
7. At si Moises ay may isang daan at dalawang pung taong gulang nang siya’y mamatay: ang kaniyang mata’y hindi lumabo, ni ang kaniyang talagang lakas ay humina.
8. At iniyakan ng mga anak ni Israel si Moises sa mga kapatagan ng Moab, na tatlong pung araw: sa gayon, natapos ang mga araw ng pagtangis sa pagluluksa kay Moises.
JOSUE 24:32 (TAG)
At ang mga buto ni Jose, na isinampa ng mga anak ni Israel mula sa Egipto ay inilibing nila sa Sichem, sa putol ng lupa na binili ni Jacob sa mga anak ni Hemor na ama ni Sichem ng isang daang putol na salapi: at mga naging mana ng mga anak ni Jose.
LUCAS 17:3 (TAG)
Mangagingat kayo sa inyong sarili: kung magkasala ang iyong kapatid, sawayin mo siya; at kung siya’y magsisi, patawarin mo siya.
TITO 1:12-13 (TAG)
12. Sinabi ng isa sa kanila rin, ng isang propetang sarili nila, Ang mga taga Creta kailan pa man ay mga sinungaling, masasamang hayop, matatakaw na mga tamad.
13. Ang patotoong ito ay tunay. Dahil dito’y sawayin mong may kabagsikan sila, upang mangapakagaling sa pananampalataya,
I CORINTO 6:1-2,4-5 (TAG)
1. Nangangahas baga ang sinoman sa inyo, kung mayroong anomang bagay laban sa iba, na siya’y magsakdal sa harapan ng mga liko, at hindi sa harapan ng mga banal?
2. O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga banal ay magsisihatol sa sanglibutan? at kung ang sanglibutan ay hahatulan ninyo, hindi kaya baga dapat magsihatol kayo sa mga bagay na pinakamaliit?
4. Kung kayo nga’y mayroong usapin na mga bagay na nauukol sa buhay na ito, ilalagay baga ninyo upang magsihatol ang mga taong walang halaga sa iglesia?
5. Sinasabi ko ito upang mangahiya kayo. Ano, diyata’t wala baga sa inyo na isa mang marunong na makapagpapayo sa kaniyang mga kapatid,
I CORINTO 5:13 (TAG)
Datapuwa’t sa nangasa labas ay Dios ang humahatol. Alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao.
MATEO 5:43-45 (TAG)
43. Narinig ninyong sinabi, Iibigin mo ang iyong kapuwa, at kapopootan mo ang iyong kaaway:
44. Datapuwa’t sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo’y nagsisiusig;
45. Upang kayo’y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagka’t pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap.
GAWA 7:59-60 (TAG)
59. At kanilang pinagbatuhanan si Esteban, na tumatawag sa Panginoon at nagsasabi, Panginoong Jesus, tanggapin mo ang aking espiritu.
60. At siya’y nanikluhod, at sumigaw ng malakas na tinig, Panginoon, huwag mong iparatang sa kanila ang kasalanang ito. At pagkasabi niya nito, ay nakatulog siya.
GAWA 13:8-11 (TAG)
8. Datapuwa’t si Elimas na manggagaway (sapagka’t ganito nga ang pakahulugan sa kaniyang pangalan) ay humadlang sa kanila, na pinagsisikapang ihiwalay sa pananampalataya ang proconsul.
9. Datapuwa’t si Saulo, na tinatawag ding Pablo, na puspos ng Espiritu Santo, ay itinitig sa kaniya ang kaniyang mga mata,
10. At sinabi, Oh puspos ng lahat ng karayaan at ng lahat ng kasamaan, ikaw na anak ng diablo, ikaw na kaaway ng lahat ng katuwiran, hindi ka baga titigil ng pagpapasama sa mga daang matuwid ng Panginoon?
11. At ngayon, narito, nasa iyo ang kamay ng Panginoon, at mabubulag ka, na hindi mo makikita ang araw na kaunting panahon. At pagdaka’y nahulog sa kaniya ang isang ulap at ang isang kadiliman; at siya’y nagpalibot na humahanap ng sa kaniya’y aakay sa kamay.